CHAPTER 8

21 3 0
                                    


"Do you have any problem or suggestion about the contract, Miss Galvez?"

Paano nangyari ito? Isa rin ba siyang modelo? But I hear he's one of the major sponsor. Ba't isa siya sa mga mga sponsor? Ba't hindi ko man lang alam na—

Natigil ako sa mga iniisip nang kurutin ulit ni Mama Vicky ang tagiliran ko.

"Aray! Bakit ba?" kunot noo kong tanong habang hinihimas ang nasaktang tagiliran.

"Tinatanong ka ni Mr. Valliente gaga" nakangiting bulong nito at bahagya pa akong pinandilatan ng mata.

Mabilis naman akong bumaling sa harap. He has this playful smirk again which I really hate. Walang pinagbago. Kahit noon paman ayaw ko na talaga sa ngisi niyang iyan. Para kasing pinagtatawanan niya lahat ng ginagawa ko.

I cleared my throat and sit formally. "I'm sorry, come again?" I tried to sound cool and apologetic at the same time.

Sumandal ito sa upuan niya at nakangising humalukipkip habang nakatingin as akin na parang may ginawa akong nakakatawa sa harap niya.

"It seems like you're distracted, Miss Galvez. Nakakadistract ba talaga ang kagwapuhan ko?"

Kumunot ang noo ko sa tinuran nito.

"Pardon?" I asked raising a brow. Lumaki na ata lalo ang ulo niya.

"Am I really that handsome that you can't seems to focus on our discussions?"

At talagang inulit nga!

Pinanliitan ko siya ng mata. Nanghahamon ang tingin nito habang may nakapaskil na ngisi sa labi. Yes, he may look formal and respected with his expensive suit pero nandoon parin ang isip bata at annoying side nito. Did he even change a bit?

I wonder if he still had his Dum Dums on him.

"Ha!" sarkastiko akong tumawa. "Gago." Binulong ko lang ang huling sinabi pero dahil sa katahimikan ng boong silid ay narinig ata ng lahat iyon.

I heard gasps from the oldies. These people look up on him so much and they cannot believe that I just cussed him. Muntik ko nang makalimutang may ibang kamasa nga pala kami.

Napasinghap rin ang dalawang katabi ko. Pilit kinukurot ni Mama Vicky ang kamay ko habang pilit namang tinatakpan ni Manager Kim ang bibig ko.

Kumunot ang noo nito seryoso akong tiningnan. He leaned forward while both of his elbows were in the table. Madilim ang tingin nito sakin kaya kinabahan ako ng bahagya at agad napaiwas ng tingin.

"You cursed now? Who taught you that?" seryosong tanong nito.

Ngayon namang ganito siya, pakiramdam ko ay may nagbago sa kanya. I then realized that we are only acquaintance before. Magkakilala lang pero hindi ko talaga siya kilala totally. He's still an annoying stranger for me. Ang alam ko lang noon ay isip bata ito at nakakainis talaga. Who knows if he did really change through years? May tao bang hindi nagbabago?

And now seeing him this serious and unreadable makes me think that he is not the annoying guy I used to know. Even before, he's already unreadable. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya. Kasi hindi ko mabasa kung anong iniisip niyo kung anong balak niyang gawin.

Ngayon lang din nagsink in sakin na isa siya sa mga major sponsor. Isa siya sa magpapasweldo sakin kung sakaling tanggapin ko ang trabaho. At kahit na magkakilala kami noon, I should act this way. This is work and I am professional. I should act like one.

"Bad words yan, alam mo ba 'yon?"

Napairap ako sa huling turan nito. Halos maging bayolente naman ang dalawang katabi ko para mapatigil ako.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now