CHAPTER 12

17 3 0
                                    

I sprayed myself my favorite perfume then take a last glance of myself in the mirror. I only wear casual attire, a white high waisted fitted jeans and nude color sleeveless top na pinaresan ko lang ng nude color din na flats. My Louis Vuitton sling was hanging on my right shoulder habang inaayos ko ang shades at nakalugay kong straight na buhok bago isinoot ang puting cap. Nang makuntento sa ayos ay lumabas na ako ng silid.

"Oh, aalis ka? I thought you asked for 2days rest?" agad na tanong ni Kuya nang datnan ko ito sa dinning. Kakauwi lang nito kagabi.

He's sipping his coffee while reading something in his tablet.

"Mall lang. How's Africa?" nagsalin ako ng tubig sa baso para makainom. Binaba nito ang hawak para matingnan ako. 

"Still a country. Hintayin mo muna si Mandy, may inutos lang ako sandali" kunot ang noong ani nito.

Agad akong umiling at nilinisan ang basong ginamit bago binalik sa cupboard.

"No need. Kaya ko naman mag-isa. Baka mabinat pa yong tao. Sa mall lang naman ako. Wala kang work? Nga pala, I'll use my car"

Nakapambahay parin kasi ito kahit past 8am na. Binalik nito ang attensyon sa tablet para ituloy ang binabasa kanina.

"I have a meeting with the board later, nirereview ko lang yong project"

Tumango ako kahit hindi nito kita.

"Alright. Alis na'ko" paalam ko sabay lakad palabas ng dining.

"Take care!" pahabol nito na sinagot ko lang ng 'Opo'.

Nasalubong ko pa si Ate Mandy na kapapasok lang ng bahay habang may dalang mga folders.

"Oh, saan ka? Teka, magbibihis lang ako—"

"Okay lang, Ate. I can manage, at nagpaalam na ako kay Kuya. Pahinga ka nalang muna" I said and wave her goodbye.

I drove my blue Sedan to AMall. Wala naman akong particular na gagawin, gusto ko lang mag-unwind sandali habang nagwiwindow shopping, magspa, at tumingin sa mga tao.

If I would be asked about my favorite place in Earth then I would answer the mall. Naeenjoy ko kasing makita ang iba't ibang ekspresyon ng mga tao, at minsan rin pinipredict ko kung ano ang nararamdaman nila base sa ekspresyon nila.

Ang una kong pinuntahan ay ang bookstore para bumili ng librong babasahin ko mamaya sa mapiling café. I was choosing one in the best seller section when my eyes landed on a familiar book.

It was the same book as Rid gave me on my 15th birthday. Kinuha ko iyon at pinakatitigan. Nag-iisa nalang yon.

Naalala ko pang sa sobrang tuwa ko sa libro ay halos hindi na ako makahinga. It is my favorite book kaya naman ang makatanggap ng limited edition na copy non na collector's item pa ay labis na nagpaexcite sakin.

"Uhm...excuse me, Ate. Bibilhin mo po ba yung book?"

Napalingon ako sa gilid nang may nag-salita. A beautiful girl in a familiar high school uniform greeted my sight.

She's wearing the Southville International School's uniform. My previous school.

"Oh, sorry. Mayroon na ako niyan, tiningnan ko lang" nakangiti kong inabot rito ang libro.

Tinanggap niya iyon pero nanatili sakin ang tingin niya. She looked confused for a moment. Nakakunot kasi ang noo nito at mukhang inaalala kung saan ako nakita. I smiled at her more and took off my shades.

When realization drawn on her, she look at me with wide eyes.

"Oh my gosh! Aiya Galvez?!" hindi makapaniwala nitong usal kaya natawa nalang ako.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now