"Where are we going?"
Dumeretso kami ng mall pagkatapos naming magsimba kanina. Patuloy lang ito sa paghila sakin habang hindi ko naman maialis ang tingin sa aming kamay na magkahawak. Namumuro na yata ito.
Ngayon ko lang din napansin ang malaking pagkakaiba namin. Sa halos lahat ng pisikal na aspekto. His tan looks good than my paper white skin. Hindi pa naman ako kailanman nainsecure sa kulay ko pero parang ang putla putla ko kapag itinabi sa kanya. Magmumukha akong multo.
Viens vile on his arms nicely and his long and huge fingers looks nice too. His large hand could even cover and break my whole fist perfectly. Mas lalong lumiit tingnan ang kamay ko sa hawak niya. Ramdam na ramdam ko rin sa malambot kong palad ang gaspang ng kanya. At kahit na hindi naman mahigpit ang hawak ay halata parin ang bahagyang pamumula ng kamay at mga daliri ko. My whole physique defines softness and fragility while his screams roughness and too much masculinity.
"Cinema."
"Cinema?"
Nagtaas ako ng kilay. Nakita ko ngang palapit na kami sa may hindi kataasang pila kung saan bibili ng ticket para sa sine. Pumila ito habang nasa gilid niya naman ako dahil hawak nito ang kamay ko.
"Yes. You said you never went to a cinema" sinipat ako nito ng tingin. "Glad you wore a jacket. Malamig pa naman sa loob."
Napatingin tuloy ako sa soot. I'm wearing a simple knee-length floral halter dress na pinatungan ko lang ng denim jacket, then an open-toe one string sandals. My long and straight hair was down.
Mula sa sarili ay nalipat naman dito ang paningin ko. He's wearing a fitted plain black shirt and a pants but he really rocks the outfit well. Kahit pa siguro gusot-gusot ang suotin nito iba parin ang dating. Gwapo parin tingnan!
Napairap ako ng ngumisi ito dahil sa paninitig ko.
"Anong papanoorin natin?" binaling ko nalang ang paningin sa hilera ng mga now showing.
"Ano bang gusto mo?" tanong nito pero randam ko namang nasa akin parin ang tingin.
Hindi ko na ito nilingon at pumili nalang ng nagustuhan kong palabas. Hinintay kong magreklamo ito sa pinili ko pero hindi dumating kaya hindi ko na napigilang lingunin ito. He's watching me closely.
Kumurap ako at nilunok ang bukol sa lalamunan. "O-Okay lang yan sayo?"
Sinulyapan nito sandali ang palabas na gusto kong panoorin pero agad ring binalik sakin ang tingin.
"Yeah. It's fun too" he said in a hoarse voice. Tumango ako at iniwas na ang tingin.
"Okay..."
Nang makabili kami ng ticket ay dumeretso naman kami sa bilihan ng popcorn at drinks. We choose caramel in large habang sa drinks naman ay pinilit pa nito yong couple drinks. Okay lang naman sana kaya lang apple ang gusto ko habang lemonade yong sa kanya kaya tig-iisa nalang kami.
Naupo kami sa pinakamalayong upuan mula sa screen. Mukhang ilang araw narin iyong showing kaya hindi na gaanong punuan ang sinehan. Pinalibot ko ang tingin. It's true that I've never been into cinema. May mini cinema rin naman kami sa bahay pero hindi kagaya nito kaya ito pa talaga ang kauna-unahang beses kong pumasok rito at hindi ko rin inakalang sa una kong punta ay siya ang kasama ko.
Never in my wildest dreams that I could experience date like this. I always picture the cinema as a romantic place. Gaya ng mga napapanood ko sa palabas at nababasa sa libro. Dark...and cold...and romantic.
Ganoon kasi lagi ang plot, kapag nilalamig si babae ay aakbayan siya ni lalaki tapos magkakatinginan sila tapos unti-unting maglalapit ang mukha nila at maglalapat ang mga labi—
YOU ARE READING
The Wing Series 2: Eight Pleas
RomanceAiya accepted her fate that sooner or later she needs to leave everything behind. She's ready for it. She already prepared herself for it and even wrote a list of the eight things she wanted to do before her time limit. She already sets her mind for...