Napapangiti ako habang binabasa ang magulong sulat kamay ko roon. So this is my confession notebook, huh?
May lihim na inis pala ako kay Alisa noon at gusto ko siyang belatan kapag natatalo sa jackstone? I chuckled when an image of a nine-year old Alisa came to my mind. Kumusta na kaya ito ngayon? Inis parin ba iyon sakin?
The last time I saw her is when I was accelerated to high school. Naalala kong malungkot na nagpaalam ang ilang kaklase ko noon pero si Alisa ay nakataas lang ang kilay sakin at parang masaya pang aalis ako.
Natigilan ako at napangiti. Unti-unti ko nang naaalala ang mga nangyari noon at hindi man lang sumakit ang ulo ko.
I was about to flip the other page of the notebook when Ate Mandy came into the room.
"Ate, look!" masaya kong kinaway rito ang notebook.
"Ano yan, Aiya?" nakakunot-noong tanong nito at inilapag ang hawak na paper bag sa mesa bago lumapit sakin.
Natuon naman agad sa paperbag ang atensyon ko kaya nilapag ko nalang muna sa side table ang notebook at excited na tiningnan ang laman ng paperbag.
"Yong gift na notebook nina Mom at Dad sakin, Ate. Nakalimutan mo na ba?" saad ko habang nasa loob parin ng paperbag ang tingin.
Mabilis akong pumasok sa CR para tingnan ang sarili sa salamin. Hindi ko pa alam kung paano iyon isusuot noong una pero nakuha ko rin naman kalaunan. Nakangiti kong pinagmasdan ang sariling repleksyon.
Hinimas ko ang mahaba at straight na straight kong buhok. Parang totoo!
Lumabas ako para ipakita kay Ate Mandy ang itsura. Naabutan ko itong kunot-noong sinusuri ang notebook.
"Ate..." nakangiti kong tawag rito.
Nag-angat ito ng tingin sakin. Nalaglag ang panga nito at kumurap-kurap. Binitawan niya ang hawak at natutulalang naglakad palapit sakin. Natawa naman ako sa reaksyon nito.
Akala ko ay tatawa rin ito pero nagulat nalang ako nang niyakap niya ako ng mahigpit at humagulhol.
"A-Ate?"
Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at marahang sinapo ang mukha ko.
"Parang nagbalik yong dating Aiya ko..." suminghot-singhot pa ito.
Natatawa nalang ako nang muli itong yumakap sakin kaya hinayaan ko nalang. Ate Mandy treats me like a friend, her sister, and her own daughter kaya naman naiintindihan ko ang nararamdaman nito. Siguro kagaya lang din ng kapatid ko. Nasasaktan at nalulungkot ito sa kalagayan ko.
Nang kumalma na si Ate Mandy ay sinimulan na ako nitong ayusan. Panay kwento naman ito tungkol sa nakaraan na minsan daw ay ito ang nag-aayos sakin kasi kahit walang propesyunal na edukasyon sa pagmimake-up ay natututo raw ito sa madalas na pagsama sa mga shoot ko noon.
Nangingiti kong tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi makapaniwalang parang bumalik nga ako sa dating hitsura ko noon. Natapalan ang eyebags at pamumutla ng labi ko. I stared at my now pink and shiny lips.
Suddenly, an image of my lips kissing somebody else's lips crossed my mind.
I gasped at that sensual and lewd image! Nanlaki ang mata ko at napatakip ang mga kamay sa bibig. What the fudging fudge was that!?
Is that a memory? Did I really kiss someone? Nangyari ba talaga iyon o gawa-gawa lang ng isip ko?
Hindi ko na naisip na nakatingin si Ate Mandy sakin at pinagmamasdan ang reaksyon ko.
"Aiya..." tawag nito kaya agad kong inayos ang sarili.
Bahagya akong nahiya sa naisip. There's no way in hell that I would tell that to my brother or Ate Mandy! Whether it's true or not, I won't ever tell a single soul about it. Nakakahiya!
YOU ARE READING
The Wing Series 2: Eight Pleas
RomanceAiya accepted her fate that sooner or later she needs to leave everything behind. She's ready for it. She already prepared herself for it and even wrote a list of the eight things she wanted to do before her time limit. She already sets her mind for...