CHAPTER 5

28 3 0
                                    


"Gentlemen, please introduce yourselves" our professor hushed my noisy classmates. Nakapangalumbaba kong tiningnan ang apat na transferee'ng pumasok. It's our first day of being seniors.

"Hi everyone! I'm Z Valentine" the first guy—girl introduce herself. Tumikwas ang kilay ko habang tinititigan ito ng mabuti. I'm pretty sure it's not a guy.

Umusbong ang bulong-bulungan sa mga kaklase ko ukol sa unang nagpakilala. May ibang tumili at may iba namang nagtataka.

Me, myself is also confused. I heard that these four are from Christian School for Boys, then papaanong may babae?

Lalaki man manamit ay halata parin ang feminine features niya. Mula sa maamo nitong mukha, makinis na kutis at makurbang katawan na nakatago sa maluwag na damit nitong suot.

Nilingon ko si Elle sa likod. "Babae?" tumango lang ito.

"Lalaki puso niyan" ani ni Black habang nakadekwatro. Bahagya kong tinampal ang hita nito para ipaayos ang pagkakaupo. Inirapan lang ako nito pero sumunod naman.

"Ang ganda niya naman." si Mira naman na sinusuri ang mga bagong panauhin sa harap gamit ang kyuryosong berde nitong mga mata. Muli kong binalik ang tingin sa harap.

"Leather Valentine at your service!" ani naman ng sumunod na nagpakilala at kumindat pa na halos ikahimatay ng mga kaklase kong babae at bakla.

Eh? What's with the wink?

"Martini Javien Valentine. You can call me mine...ehem, I mean Mart" said the third one and flashed his sexy smile. Muling nagtilian ang mga kaklase ko na agad namang sinaway ng guro. Hmm, they sure know how to use their charms in captivating my female classmate's attention and maybe heart too.

"Cian Valentine." maikling pagpapakilala ng huli.

That's it. Wala nang ibang dinagdag o ginawa pa pero muli na namang nagtilian ang mga kaklase ko.

What's wrong with them? Para namang ngayon lang nakakita ng gwapo eh halos lahat nga ng nag-aarala dito ay puro may hitsura.

Naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko 'yong Z, habang nasa likod naman nina Elle, Black at Mira yung tatlo pa. Walang gaanong nakaupo sa banda namin, I don't know if it's still because of Mira's issue...o dahil ilag lang talaga sila sa mga kasama ko?

Mula nang maging kaibigan ko ang dalawa ay napapansin kong ilag narin sakin ang iba, mas lalo pa nong nadagdag sa grupo namin si Mira. I can also hear people talking behind my back and some even try to bully me. Hindi ko naman pinapansin pero sa tuwing nalalaman nina Black ay...nagkakagulo talaga, kaya tuloy kahit kaklase namin ay hindi na ganoon ka friendly sakin.

I don't mind though. I rather have a few real friends than a thousand fakes. Dahil hindi ko rin naman pinipilit ang sarili kong magustuhan nila. Nakakalungkot at nakakainis nga lang minsan pero mas pinipili ko na lang na hayaan na.

"Z ba't ka nandyan?" rinig kong tanong nong nagpakilalang Martini.

"Anlayo mo naman, Insan!" reklamo naman noong isang medyo kalbo.

Napatingin tuloy ako sa katabi kong nakakunot noo at nakasimangot na ngayon. Nakatight bun ang buhok nito at dahil oversized na puting hoodie ang soot nito ay hindi agad mapapansin at aakalain mo talagang lalaki. But when you look closer you can really see how beautiful she is. Yep. She's really pretty. At sigurado akong mas gaganda pa siya lalo kapag nilugay niya ang buhok niya.

Napatagal ata ang pagtitig ko rito dahil napansin na nito at nilingon na ako. Huli na para mag-iwas ng tingin dahil nginitian na ako nito at naglahad ng kamay sakin.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now