CHAPTER 2

26 3 0
                                    


"Aiya! Hey, Happy birthday!"

Nginingitian ko lahat ng bumabati sakin kahit pa hindi ko sila kilala. For months, I gained many friends from my batch as well as the higher batches. Miraculously, they were easy to get along with and just naturally friendly towards me.

I don't know if it's because they know my brother or they just really find me...uhm...cute?

Kuya Nix was on his second year in college now. Kapag hindi busy ay hinahatid niya ako hanggang classroom at kapag may free time naman siya ay dinadalaw niya ako. Malayo kasi ang college building, oo nga't nasa iisang skwelahan kami pero magkaiba ng campus. Minsan rin kapag wala kaming pasok at ayaw ko pang umiwi ay tambay ako sa campus nila—particularly sa library nila dahil unlike sa library ng highschool ay sobrang daming makakapal na libro ang naroon.

Mag-isa kong binabaybay ang daan papuntang classroom. Walang Ate Mandy na nakasunod sakin ngayon dahil may exam ito. Liliban nga sana ito kaso pinagpilitan ko na kaya ko naman. I may be weak but I can handle myself just fine, they just didn't let me prove it. Hinatid naman ako ni Kuya pero hanggang main gate lang dahil may board meeting itong kailangang siputin.

Paakyat na ako nang hagdan sa building ng freshmen nang may nakasalubong akong dalawang babae. Base sa necktie nila ay third year na ang mga ito. Connected naman ang building mula first year hanggang fourth year kaya hindi na nakakapagtaka na may magawing higher levels dito.

"Happy birthday, Cutie Aiya!" sabay na bati nila.

Nagthank you ako at nginitian sila bago nagpatuloy sa pag-akyat. Nasa ikatlong palapag pa ang classroom namin.

How did they know anyway? 'Yan ang tanong sa utak ko sa tuwing may bumabati sakin na hindi ko kilala. Nasasanay na ako sa ganyang tawag sakin. I am the youngest in this school and everyone knows about it, and maybe it's my age that's why they treated me differently and nicely.

Nasa huling baitang ng hagdan na sana ako sa third floor nang mapatigil dahil sa humarang. Umiwas ako pero sumunod ito. Nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ito.

Not again!

His annoying smirk is in a full show. I rolled my eyes in annoyance.

"Here."

Tinitigan ko ang inilahad nitong lollipop.

Dum Dums again?!

Kinunutan ko ito ng noo at sinamaan ng tingin.

"Dahil birthday mo, ibibigay ko sayo ang paborito kong lollipop! Masarap 'yan at imported." masayang ani nito na parang iyon ang pinakanakakatuwang bagay sa mundo.

"Thanks but no thanks. I don't want cavities" I rolled my eyes at him.

Akmang lalampasan ko na sana ito nang dinipa nito ang dalawang braso para harangin ako.

"Para ka namang masungit na baby!" natatawang aniya. "Kunin mo na baby girl. Ilang taon ka na nga? 6 years old?" pang-aasar pa nito.

My face heated up. Sa inis ko ay imbes na pansinin ay binangga ko nalang ang braso nito at umalis na. How dare him! Ang lakas talaga ng loob! Isumbong ko kaya ang krimen nito nang manahimik na?

I'm in high school already and that makes me a teen! People should respect that and start treating me as a lady even though my age, height, and body screams the obvious.

Kahit kasi mag-ayos ako nang gaya sa mga kaklase kong babae ay halata parin ang kaibahan ko sa kanila. I maybe taller than the girls my age but I am also very thin. I also cut my hair in a shoulder level, lagi kasing binibraid ng mga kaklase kong babae kaya minsan mas nagmumukha lang akong bata lalo sa ayos ng buhok ko.

The Wing Series 2: Eight PleasWhere stories live. Discover now