Elle is fun to be with. Kami ang laging magkasama since hindi ko na kaklase sina Ashley at magkaiba narin ang schedule namin. Pero kapag naman nagkakasalubong kami ay nagpapansinan at pag may oras ay nagkukwentuhan parin naman.
Akala ko ay sobrang seryoso nito sa buhay pero sobrang daming kabaliwan palang tinatago nitong si Elle. She's kinda weird sometimes but she's actually nice. She's one of the few university scholars. Sabi ay mayaman ang tatay nito pero hindi raw siya kinilala kaya hindi narin siya nag-abalang kilalanin ito.
She's one of the truest person I knew, kaya hindi ko maintindihan kung bakit maraming ayaw makipaglapit dito. I, consider myself as one of her friends. Yes, I already consider myself as her friend. Her only friend I mean.
For the past months that we're together, I heard a lot of things. Marami nang nagtangkang lumapit sakin para sabihing layuan ko raw ito. At sobrang dami narin ng mga paninirang naririnig ko tungkol dito. It's saddening and bothersome. Obviously, they are just bullying her. Elle doesn't seems to care though. Gaya nalang noong nagyari sa Christmas party namin.
For the first time, ngayon lang ako makakasali ng school Christmas party. Nalungkot pa ako nong una sa pag-aakalang hindi papayag si Kuya but he instantly agree that's why I'm really looking forward to it.
I wore a red halter top laced dress na knee level at nude color na flats. Hindi naman 'yon formal na party at sa gymanasium gaganapin dahil open for grades 7 to 12. It was my first school party kaya excited talaga ako at nagparticipate sa halos lahat ng games. At dahil lagi kong hila-hila si Elle ay napapasama narin ito.
"Fuck you witch! Rot in hell!"
Napaawang ang labi ko sa gulat habang nakatingin sa basang damit. Nautusan ako ng adviser namin kanina dahil kakatapos ko lang kumain. May pinapakuha ito sa classroom, at syempre, nagpasama na naman ako kay Elle kahit na hindi pa ito tapos kumain. Nasa hallway pa kami ng bigla nalang may sumulpot na babaeng galit na galit at may dala pang timba.
Si Elle sana ang tatapunan nito pero dahil magkatabi kami ay pati ako nabasa rin.
"Ayos ka lang?" Elle asked agitatedly as she tried to dry my dress. Tiningnan nito ng masama ang babae.
Gamit ang panyo ay pinunasan nito mukha at braso ko pababa sa nabasang damit kahit na wala narin namang magagawa iyon. Mas grabe pa nga ang pagkabasa nito eh, na parang naligo na talaga.
"I'm fine" sinubukan ko narin siyang punasan. Madilim ang mukha nito at halata ang umuusbong na galit para sa babae.
Nangangamba akong baka sugurin niya itong babae at magkasakitan pa sila. Knowing Elle, she always do the unexpected.
"Sophia!" someone from behind me roared.
Parang hanging dumaan ito sa gilid ko at mabilis na pinigilan ang babaeng galit sa tangkang paglapit samin.
"Let me go, Rid! Sumusobra na ang mangkukulam na 'yan! Kung hindi dahil sa kanya hindi sana tayo masisira! It's her fault!"
"Hello? Paano ko kayo masisira kung wala namang 'kayo'?" Elle butted in without glancing at them. Halata ang pikon at pang-iinis sa boses.
"Elle..." pagpapatigil ko rito. Pero kunot noo lang nitong hinarap ang babae.
"Kung galit ka sakin wag kang mandamay! Lapit ka nga, paganti lang"
Hinawakan ko ang braso nito para pigilan. "I'm fine, Elle. Umalis nalang tayo" pilit ko itong hinihila paalis.
"You bitch! Hindi ako naniniwalang witch ka! Malandi ka lang talaga!" nanggagalaiti namang sigaw noong babae at nagpumilit pang sumugod.
YOU ARE READING
The Wing Series 2: Eight Pleas
RomanceAiya accepted her fate that sooner or later she needs to leave everything behind. She's ready for it. She already prepared herself for it and even wrote a list of the eight things she wanted to do before her time limit. She already sets her mind for...