"Miss Aiya! Aiya Galvez! Isang tanong lang po. Bakit kayo nawala ng higit isang taon?"
A media man asked kasabay ng pagsasara ng pinto ng elevator. Huli na nang maisip kong hindi ako tuluyang nakapasok sa elevator at maiipit ako ng pinto. Dahil gulat parin ay hindi agad ako nakakilos.
I shut my eyes tightly but a strong arm pulled me inside the elevator before the door could crush me.
Mas bumilis ang tahip ng dibdib ko dahil sa biglaang pagkakalapit namin.
Mabilis niya akong binitawan at lumayo na parang may nakakahawa akong sakit. Dahil sa ginawa nito ay natauhan ako. Tumayo ako ng tuwid at umusog rin palayo rito para dagdagan ang distansya sa pagitan namin.
Ngayon lang tuluyang nagsink-in sa akin na nandito nga siya at nagkita kami!
Why is he here? Sabi ni Lauren hindi ito makakapunta. Bakit nandito ito ngayon?
Mariin kong naitikom ang bibig at kinalma ang paghinga. Ngayon ko lang din napansing kanina ko pa pala pinipigilan ang huminga.
Yes, I wanted to see him but not this instant!
Kung naging tao lang siguro si tadhana, ilang sipa kaya ang matatanggap nito mula sakin?
There's an awkward atmosphere between us. Lalo pa't kami lang dalawa sa elevator. Napansin kong bumaba pa kaming groundfloor pero hindi naman ito lumabas.
Pasimple ko itong nilingon pero halos atakehin ako sa puso nang magtama ang tingin namin. Nakatingin siya sakin! Mabilis kong iniwas ang paningin. May kuryenteng dumaloy mula sa paa ko paakyat. Hindi na ako makahinga ng maayos sa kaba.
Why is he looking? What should I do? Hindi ko iniexpect na magkikita kami ngayon din mismo! Muli kong narinig ang boses ni Ate Mikaela sa utak ko at ang walang kwenta nitong plano. How am I supposed to do that if I couldn't even look at him?!
"What should you do if you saw him again?"
"Huh? I-I'm not sure. Magso-sorry? I'll explain—"
"Don't you dare!" dinuro pa ako nito.
"He's mad at you and that's for sure! Sa tingin mo pakikinggan niya ang explanation mo? Even if you cry a river, he won't care to listen. And don't you dare cry in your first encounter! Lilipad talaga ako ng Pilipinas at sasabunutan kita"
"W-What should I do then?"
She took a deep breath first.
"Kiss him. Act as if you haven't gone for a year!"
Nanlaki ang mata ko sa ideya nito. Kiss him? Galit sakin yong tao tapos hahalikan ko? Kabaliwan yon!
"B-Baka sampalin ako"
Ngumis lang ito sa sinabi ko. "Why don't you try then? Kapag hindi nagreact, proceed with the next step. Kapag sinampal ka nga, then...you can cry a river then move on!" natawa pa ito sa huling turan.
Kiss him.
Kiss him, Aiya. It's not that hard right? Teka, wala ba akong sasabihin muna? Halikan agad?
Pinagpapawisan ako ng malamig sa iisiping gagawin ko nga ang ideya ni Ate Mikaela.
What the heck! I can't believe I'm considering her idea! Am I that desperate? Of course, not! Wala lang akong...ibang...ideya sa isip. Hindi ko naman kasi napaghandaan ang encounter naming ito at mas...tumatak sakin ang mga sinabi ni Ate Mikaela.
It's crazy but somehow...logical. Oh, great! I must be the crazy one here for finding her ideas logical!
Habang nagdedebate ang utak ko ay humugot ako ng malalim na hininga at pinihit ang katawan para humarap dito.
YOU ARE READING
The Wing Series 2: Eight Pleas
RomanceAiya accepted her fate that sooner or later she needs to leave everything behind. She's ready for it. She already prepared herself for it and even wrote a list of the eight things she wanted to do before her time limit. She already sets her mind for...