Chapter 47:The Reasons Behind

148 5 1
                                    

Chapter 47:The Reasons Behind

Eryn POV

"Aw! Aw! It hurts!" patuloy ko syang pinagpapalo habang siya ay sinasalag lang yung mga kamay ko.

"Kase naman ikaw eh,ba't mo ba sinalo yung bala buti nalang talaga at daplis lang sa gilid yung natamo mo,pano' pag natamaan ka talaga? Edi ano!? Haisst,jusko Zekie..."

"Kung diko sinalo edi ikaw yung natamaan?"

"Mabuti nalang yun kesa madamay ka na naman,madami na akong atraso sayo at wala na akong balak pang dagdagan pa yun" napatungo ako

"You know what? Kung ikaw lang naman yung magiging dahilan mas worth it narin yun" napangiti ako.

'Sheet!! Ba't ba ako kinikilig..

"Aherm..Guys nandito pa po kami oh" napalingon kami sa nagsalita

"T-thea!!"

"Oo Eryn,mabuti naman at naalala mo pa ako pero kung nakaka-abala man siguro ay lalabas nalang kami" akma na sana silang tatalikod

"H-hoy teka,iiwan nyo kami dito?"

"Oo baka kase miss na miss nyo yung isa't-isa eh" sabi ni Ryle kaya napalingon ako kay Zekie na naka-harap sakin

'Ano naman kaya yung iniisip neto..

"M-miss? This annoying nerd?" hinawakan nya yung muka ko "No way"

"Ah ganun,annoying pala ah!" hinawakan ko yung tenga nya at malakas na hinila

"AHHHH!!!!"

"Diba sabi mo annoying ako? Then eto para sa'yo" babatukan ko na sana sya pero tumakbo lang sya papalayo.

"Tsk..tsk..tsk kayo talaga,kahit may nangyari ng masama nakukuha nyo paring mag-bangayan" lumapit sakin si Kendell at umupo sa patients bed

"Btw happy ako na nakikita ulit kitang naasar ni Zekie"

'Isa pa'to

Di na ako nag-abala pang sumagot at umiling-iling nalang nang may bigla akong naramdaman na may yumakap sa kamay ko.

"Anong ginagawa nyo?" tanong ko kina Elaine at Desiree na nakakapit sa kamay ko

"Alam mo bang natakot talaga kami nang makita ka naming binubungkal sa ilalim ng lupa?" sabi ni Elaine

"Oo nga lalo na nung nabuksan na yung kahon na pinaglagyan sa'yo at namumutla ka na" (Desiree)

"Kahit ako din naman eh,yung feeling na hinuhugutan ka na ng hininga sa ilalim ng lupa,sobrang init sa pakiramdam at diko maigalaw yung buong katawan ko.Nakakatawa nga na akala ko nabuksan nyo yung kahon pero di pala dahil alam nyo kung sino yung nakita ko? Si papa" biglang nangilid yung luha ko.

"Matagal ko na syang di na ki-kita simula nung m-mamatay siya,s-silang dalawa ni m-mama" tumingala ako para di tuluyang bumagsak yung luha ko.

Niyakap ako ni Thea "Nung time na yun eryn,wala akong nagawa kundi umiyak nalang ng umiyak h-habang pinapanood kitang binubuhay n-ni kuya" napatingin ako kay Zekie na naka-tingin din pala sakin habang nakasandal sa dingding pero umiwas din ng tingin..

"Tss... Ano ba kayo an'drama nyo,buhay pa po ako oh,humihinga parin" tumawa ako para bawasan ang emotion na nabubuo sa kwarto,pansin ko kaseng lahat sila tahimik habang inaabangan ang bawat salita na lumabas sa bibig ko.

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon