Chapter 62:Fight for Love

154 4 1
                                    

Chapter 62:Fight for Love

Kendell POV

"Where is He?" tanong ko kay Auntie Matilda

"A-ah s-sir pinapasabi kasi ni sir Emilio na bawal daw po kayong papasukin na mga kaibigan ni Sir Ezekiel" habang lumilingon-lingon pa sa likod na para bang may binabantayan.

Nandito ako ngayon sa bahay nina Zekie dahil may sasabihin ako sa kanya,kailangan ko syang makausap ng matino.

"Bakit na saan ba si Tito Em?"

"Nasa companya po pero baka papauwi na yun ngayon" akma na sana nya akong itutulak papalabas.

"I need something to tell to Zekie,it's important" malalakad na sana ako para lagpasan sya pero pinigilan niya ako

"Pero sir Kendell,ako po yung mapapagalitan pag malaman nyang nandito kayo"

"Then wag nyong pong sabihin" hinawakan ko sya sa balikat,nung una ay nagdadalwang isip pa sya pero sumuko rin

"Pero basta dalian mo lang bago makarating si Sir Emilio" patakbo akong naglakad papunta sa kwarto ni Zekie.Pagpihit ko ay agad na bumukas,sobrang dilim kahit umaga,sarado ang mga kurtina,kahit ni isang butas para masinagan naman  ang kwarto na'to ay wala.

Inabot ko ang dingding na may switch at saka lang lumiwanag.Halos manlaki yung mata ko sa nakita ko,mga nagkalat na damit,bote ng beer,chichirya at basag na bote.

"Ezekiel?" dahan-dahan akong naglakad sa may bintana at dun ko nakita ang zekie na sobrang gulo ng buhok at shirt na parang basahan dahil siguro sa beer.

Damn,he's so total mess.

Nilapitan ko sya pero napaatras din sa sobrang baho na nya,siguro ilang araw na syang di naliligo at umaalingasaw rin ang amoy ng beer.

"What are you doing here?" with his signature cold tone.

"Gusto ko lang sabihin na malapit ng maka move-on si Eryn" bahagya niyang inangat ang ulo nya at saka nagbigay ng mapait na ngiti.

"HAHA,G-good thing to hear..A-ako rin naman" tumawa ulit sya pero sa pagkakataong to may luha ng kasama.

Oo nga e, obvious na malapit ka ng maka move-on,papunta ng Warm Bodies yung muka mo.

"At hahayaan mo nalang?"

"E ano pa ba ang laban ko? Diba kakasabi mo palang malapit na syang maka move-on at isa pa dad ko yung kalaban ko,i have no goddamn choice.Papabagsak na ang kompanya namin at kailangan ko syang tulungan at isa lang ang tanging alam ko na paraan"

"Yun ba ang pag payag sa Force Marriage nyo ng mga Vergara?" ako na ang nagtuloy ng sasabihin nya.

Naglakad ako papunta sa mga kurtina at hinawi yun.

"Alam mo bang halos mamatay-matay si Eryn sa kakaiyak gabi-gabi dahil sa'yo? Araw-araw din syang pekeng ngumi-ngiti.Pumapayat na sya at sabi ni Samantha napapagod na daw syang kaka-alaga kay Eryn dahil halos lagnatin daw ito dahil di kumakain pero di nya magawang iwan sya dahil mas lalo nyang kailangan ng taong magcocomfort sa kanya araw-araw." dun lang nagbago ang expression nya sa muka,lalo syang nasaktan at mahina pa syang napamura.

"O diba naka move-on na sya" sarkastikong sabi ko.Unti-unti kong pinulot ang basag na bote.

"But what if h-hindi nya na ako tanggapin?"

Tumawa ako "Then guluhin mo ulit,yung hanggang sa tuluyan na syang bumigaw sa'yo,alam ko mahirap pero kailangan mo syang ipaglaban at isa pa deserve mo rin naman yun e"

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon