Chapter 13:He's Punishment

188 10 0
                                    

Chapter 13:He's Punishment

Eryn POV

"AHHH!!!" buong lakas na sigaw at palo ang ginawa ko dahil sa takot na bumalot sakin,ikaw ba naman hawakan ng isang tao (kung tao nga yun) na sobrang lamig ng kamay na akala mo,patay na bumangon sa hukay...

Grrr.... Iniisip ko palang nakakatakot na..

"AHHH!! Fvck it h-hurts" agad na nahinto ako sa pagpalo nang marinig ko ang pamilyar na boses.Inabot ko ang nakapatay na ilaw at laking gulat ko kung sino ang taong kanina ko pa pinapalo ng walis tambo...

"R-red Hair??"  (☉。☉)!

"Fvck,can y-you stop c-calling me R-red hair,nakaka-umay" at pilit na gumagapang papasok kaya binitawan ko ang hawak kong walis at umupo para pantayan sya.

"Bakit kaba kase nandito at pano' mo nalaman na dito ako nakatira,siguro stalker ka noh?" pabirong sabi ko kaya tumingin sya sakin.

"Can you stop talking nonsense at tulungan mo nalang ako?" kahit nahihirapan ay nagawa nya paring mag salita ng tuwid.

Wala din naman akong choice kaya tinulungan ko syang maka-tayo at pinaupo sa bench.Kumuha ako ng twalya sa CR at binigay yun sa kanya.

"Uulitin ko yung tanong ko,anong ginagawa mo rito at-----anong nangyari sa muka mo ba't andaming pasa???? Di naman ikaw yung napurahan nung nagbugbugan kayo ni JP sa Canteen kanina ah" tanong ko habang sya ay pinupunasan ang basang buhok.

Nagbuntong-hininga naman sya saka tumikhim "My Mother---i mean stepmother sent me here!"

"Stepmother? Sino at bakit ka naman nya ipapadala dito?" tanong ko pero pinanlilisikan nya lang ako ng mata.

"You don't need to know kung sino ang tinutukoy ko" kaya tumahimik ako.

Di na nga sa kanya ang bahay may gana parin syang maging ganyan,sarap kutusan...

"She sent me here because she know what i did to you this past few days---"

"Sa madaling salita pinarusahan ka nya dahil sa mga pam-bubully mo sakin ng dahil sa deal pero teka,kilala ako ng stepmom mo?" naguguluhang tanong ko kaya pasimple lamang syang tumango na parang bang telegram na limited lang ang salita.

"Pero as i said you dont need to know who she is......" grabe ang confidential naman ata ng pamilya nya,bakit kaya??

"Eh yang muka mo,anyare?"

"I supposedly refuse pero diko alam na inutusan nya pala ang iba kung ka-gang na bugbugin ako para pilitin lang na pumarito at mag-stay ng isang bwan bilang punishment"

"HA?? ISANG BWAN?? SERYUSO BA YANG MOM MO???" sigaw ko kaya napatakip sya ng tenga.

"What the fvck,dimo na kailangang sumigaw pa at ilang beses ko bang dapat ulitin na step-mom ko sya not my original mom"singhal nya.

"Pero di naman ata  pwedeng dito ka mag-stay ng isang buwan,kausapin mo sya bukas kahit umulan pa bahala ka basta maka-usap mo lang sya.My god nakaka-stress ng dibdib" saka pumamewang pa.

"Bakit meron ka ba nun?" agad akong napalingon dahil sa sinabi nya.

"Ah ganun---"

"Why? You'll gonna show it to me?" at sinabayan pa ng mapanuyong ngisi nya.

"Aishh,MANYAK!!" saka sya pinagpapalo ng unan.

"AH,Fvck it hurts Aw!!" at sinalag ang unan .

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon