Chapter 48:Result

146 6 2
                                    

Chapter 48:Result

Eryn POV

"Okay Everyone, settle down" lahat kami napalingon ng pumasok si Ms.Velaso,ang adviser namin sa classroom.

Agad napatayo si Via na naka-upo sa desk ko at si Jace na nakatayo sa gilid ko sa kani-kaniyang upuan,nagchi-chikahan kase kami para sa plans namin ngayong Christmas Break..

"Good!" tumikhim muna si Ms.Velaso at tumingin saming lahat kung nasa ayos na ba ang paligid.

"Hawak ko na ang results sa exam nyo last week" lahat kami ay napasinghap dahil sa halong kaba at—excitement siguro..

"Oh! Wag muna mag-react.At dahil freshman palang kayo dito sa GillFord University,i-explain ko sa inyo ang pamamalakad kung magre-release na ng exam results.Dito ang ranking ay A.B.C and D,kung makakakuha ka ng rank A mapalad ka pero kung D naman--" lumunok nalang sya dahil alam namin kung anong ibig sabihin nun--maaring bagsak ka o re-take ng exam..

"And sad to say that out of 50 students na nandito 15 lang ang naka-kuha ng A and B ranking kaya for those na nakakuha ng C and D ranks di kayo magkakaroon ng Christmas break" at halo-halong komento ang biglang namayani sa buong classroom

"Po? "

"HA?"

"Hindi to tama!!"

" #Asan ang hustisya #Nasan' ang presidente??!!!" napa-iling nalang si Ms.Velaso dahil sa iba't ibang reaksyon ng mga kaklase ko..

"Pano yan,pag nakakuha ang isa sa ating tatlo di na matutuloy ang trip to Boracay natin?" napalingon ako kay Via nang kalabitin nya ang likod ko..

"Diko din alam eh!!" sabay kibit balikat..

"Okay here's your papers" isa-isa kaming tinawag at mas lumakas pa ang mga angal dahil nakita na nila ang kani-kaniyang marka.

Diko tuloy maiwasang kabahan din,sobrang dami kong abcenses at maraming beses din akong nagiging lutang while nasa klase..

'Dyos ko lord kayo na po bahala sakin...

"Jace Moon" napa-angat ako nang tawagin si Jace pero masigla lamang itong tumayo na tila sobrang confident pa..

Sinundan ko sya ng tingin habang tinatanggap ang Exam paper nya pero biglang nagbago ang reaksyon nang mabasa nya yun..

"O-oh Jace? Anong marka?" tanong ng kapatid pero tinago nya lamang yun sa likod nya..

"Bakit mo tinago? Patingin!!" pilit na kinukuha ng kapatid hanggang sa hinablot nya yun

"Eryn kunin mo dali!!" nag-aalangin pa sana akong abutin ang papel na binibigay sakin ni Via pero wala rin akong choice kundi kunin yun dahil kinakain din ako ng kuryusidad.

Binasa ko agad yun bago maagaw nya ulit pero pati ako ay nagbago din ang reaksyon

Moon James Ace   20/50     Rank:D

Nakukunsenyang binalik ko ang papel at di na pigilang mapatungo.Kinuha yun ni Via at saka binasa pero pati din sya ay napatigil.Tinapik ko lang ang likod nya para sabihing 'Okay lang yan,may susunod pa'

Sunod namang tinawag ang pangalang Vianna Moon kaya tumayong mukang zombie si Via dahil sa kaba,kaya pati ako ay kinabahan rin..
  
Pagkakuha nya ay nilapag nya agad sa desk ko.

"Tingnan mo para sakin please?!" pumikit sya kaya tiningnan ko ng papel sa harap ko,napa-iling ako sa nakita ko.

"Ikaw na tumingin" iniharap ko ang papel sa kanya na naka-takip pa gamit ang kamay.

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon