Chapter 4:GILLFORD UNIVERSITY

300 17 0
                                    

CHAPTER 04:GILLFORD UNIVERSITY

After a Month.....

*Alarm clock ringing*

Agad kong ininangat yung kamay ko kahit gusto ko pang matulog para patayin yung alarm clock.

Argh....Anong oras naba?

Kinapa ko yung salamin ko sa tabi ko at tamad na bumangon.Inabot ko yung alarm clock para matingnan yung oras ng malapitan.

5 AM na pala pero tulog mantika parin ako buti nalang nandyan yung saviour ko.

Tumayo na ako saka bumaba at inasikaso ang dapat asikasuhin,nag luto ako saka naligo dahil guess what it's enrollment day at first day of school din kaya kabadong-kabado lalo na't mag-isa lang ako.

Pagkatapos ng 54321years of ka ek-ekan ay ready na ako except for the uniform,dun na daw kase kukunin yung uniform ng GFU.

Ilang minuto pa akong naghintay sa bus station hangang may dumating na nga.Sa pinaka unahan ako umupo para kitang-kita ko yung daan kahit alam ko na ang papuntang GFU ,dinala na kase ako dati dun ng mga High-School Classmates ko nung nag tour kami,grabe an'ganda ng paaralan nila may swimming pool sila sa may likod ng isang building at ang sabi pa ng classmate ko ginagamit daw yun pag may swimming lessons or Competition.Noon nga ang gara ng school nila pano pa kaya ngayong ilang taon na ang lumipas.

Huminto ang bus sa isa pang station saka may iilang estudyanteng nag-akyatan para makasakay.Pero ako chillin' like a villain lang dahil 6 pa naman at ang text sakin ng staff ng GFU ay between 8 or 9 am daw mag sisimula ang test para sa mga new students.

At kung nagulat kayo sa sinabi ko na may test,oo may test pag nag enroll ka,dun nila babasehan kung saang building or section ka dapat nila ipasok.May Apat na Section kada palapag ng building ito ay yung 1-A 1-B meaning pag matalino ka without studying hard at saka magaling pa sa Sports at ibang Extra-Curicullar Activities sa 1-A ka kumbaga parang full-package na. Habang yung matalino dahil sa study at iba pang dapat gawin ng normal na estudyante ay sa 1-B pinapasok.

Ang pangatlong Section ay ang 2-A meaning yung mga estudyanteng di masyadong magaling sa Academics at di bagsak pero mahina sa Sports dun sila nilalagay at ang last ay yung mga Estudyanteng Sports ang hilig at walang paki-alam sa Academics sa 2-B nilalagay.

At isa pa may apat na building ang buong GFU yun ay ang ARCHITECTURE,MUSIC,SPORTS AT CHEERLEADING TEAM. Though lahat ng mga yan ay may ginagawa paring regular classes gaya ng ibang paaralan pero yung GFU mas naka focus ang mga estudyante nila sa designated nilang Course.

Either Cheerleading ang bagsak ko o sa Music,hays iniisip ko palang parang kinakabahan ako lalo.

Natigil ako sa pag-iisip nang may nagkaka-gulo na pala sa likod.Tumalikod ako para makita yung eksena at boom,isang babae hinaharass ng ilang manyak na lalaki lalapit sana ako pero naunahan ako ng lalaking nasa kabilang upuan,lumapit sya dun saka nya yun sinapak yung nanghaharass,nagulat nalang kami nang mag labas ng patalim yung lalaki pero sa isang iglap pinatumba nung babae yung nangharass sa kanya kaya nagulat kaming lahat.

Paano nya nagawang ibalibag yung lalaki ng di tinatamaan ng kutsilyo ang sarili.Grabe parang nanuod Lang ako ng Action movie ah. Paghinto ng bus sa isang paaralan dun lang sila nagsibabaan,pinadapa ng ibang pasahero yung nangharass na lalaki sa pinapulis.

Sa bilis ng pangyayari pati yung lalaking tumulong nawala narin.Binalik ko nalang yung tingin ko sa daan habang dahan-dahan ng umaandar ulit yung bus.

Pasado alas-otso na nang makarating ako sa gate ng GFU,di na ako nagtagal pa sa kakatayo at dumaan na ako sa gate kasabay ng ibang estudyante.May lumapit saking guard kaya huminto ako ng saglit.

Meeting the Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon