1.6 - The end of the First round

174 32 0
                                    

ARC 1 - HEROES ENTRANCE EXAMS CHAPTER 6

THIRD PERSON'S POV

Sa isang Zeppelin na sumusubay-bay sa nagaganap na entrance exams, walang kagana-ganang pinaglalaruan ng isang professional hero at guro ng Axtion Academy ang kanyang ballpen gamit ang mga daliri.

Siya ay isang babaeng kakapasok lang sa edad ng trenta anyos. Mayroon siyang matingkad na kulay lilang buhok na aabot sa beywang, at mayroong malaproselas na kutis ng balat. Maamo ang mukha at kumikinang ang kanyang make-up sa mukha..

"Ang boring naman!" Reklamo nito saka itinapon sa kungsaan ang pinaglalaruang ballpen.

Siya lang magisa ang kumokontrol sa sasakyang panghimpapawid. Habang ang ibang kasamahan niya ay malamang, katulad rin niyang bagot na bagot at walang magawa.

Sa katunayan, hindi alam ng babae kung bakit pa sila nasasasakyan kung wala rin naman silang gagawin. Mahigpit na ipinagbawal ni Mr. Hoshimiya sakanila na huwag makealam sa event dahil tanging siya lamang ang may karapatang mamuno at magsupervise dito. Ito raw ang kautusan ng principal ng eskwelahan ngunit hindi naniniwala dito ang babaeng Hero.

Kilala niya ang principal at hinding hindi ito magaatas ng iisang tao lamang upang pamunuan ang pinakamahalagang event sa eskwelahan na pinamumunuan nito.

"Haay, naman oh!" Bumuntong hininga sa kabagutan ang babae saka pinindot ang isang boton na may nakasaad na 'auto-pilot'. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at panandaliang naginat-inat bago nilisan ang control room ng sasakyan.

Pagkabukas niya ng pintuan ay kaagad na Bumungad sakanya ang malamig-lamig na air-con ng silid kung saan may kanya-kanyang mundo ang mga katulad niya ring professional heroes at mga guro. Ito ang private cabin ng mga teachers ng Axtion Academy.

"Oh! Seraphine? Good morning!" At tanging isang maliit na babaeng may abot balikat ang kulay abong buhok lamang ang bumati sakanya.

"Mornin'" walang ganang bati niya pabalik na nagngangalang Seraphine sa co-teacher saka umupo sa tabi nito.

"Uy-uy~ tingnan mo toh" umurong palapit kay Seraphine ang maliit na babae saka inilapit ang hawak-hawak na tablet.

"Ang gwa-gwapo ng mg estudyante ngayong school year noh? Tingnan mo yung nakapula! Hihi~" itinuro ng maliit nitong hintuturo ang isang binata na nakaside-view at mukhang may sinusundan na babaeng pula ang buhok.

"Rin! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na pabayaan mo ang mga kaganapan sa entrance exam?" Isang lalaking nasa mid-twenties ang lumapit sakanila at biglang pinikot ang tainga ng batang nagngangalang Rin.

"Arayy!! Ano ba Izumi-nii! Masakit!"

"Sawang sawa na ako kakapaalala sayo! Ba't ba hindi ka magtino??"

"Awwtchh! Maatino naman ako ah?? Nii-chan~"

Napailing nalang si Seraphine sa magkapatid na daig-pa aso't-pusa.

"Izumi-senpai, tumitingin lang naman kami ng updates sa event. I'm sure, hindi naman magagalit si Sir Gin kung titingin lang kami, hindi ba?"

"Seraphine! My loves.." biglang naghugis puso ang mga mata ng lalaking nagngangalang Izumi saka ito tumabi kay Seraphine. "Pwede ba kitang mayaya ng Dinner sa bahay mamaya? Magluluto ako!"

Kabado namang napangiti si Seraphine habang inaalis ang kamay ni Izumi na nakapulupot sakanyang beywang. "Izumi-san.. Maybe next time nalang? Hehe.."

Ngunit kahit klarong klaro na ang rejection ni Seraphine sakaniya, hindi parin humuhupa ang enthusiasm ni Izumi at maslalo lang nagning ning ang kaniyang mga mata.

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon