1.0 - The 10 Elite Families

239 46 2
                                    


ARC 1 - HEROES ENTRANCE EXAMS CHAPTER 0

Tirik na tirik ang araw sa lungsod ng Iphropolis ngunit abalang abala parin ang nga tao sa kanilang mga trabaho.

Sa kabilang dako naman ng lungsod ay makikita ang isang napakalaking property na siyang punong-puno ng mga tao ngayon.

Bumaba ang isang dalagita mula sa mamahalin nitong kotse habang hindi naman magkandamayaw ang mga Personal maids niya kakapayong sa kaniya. Bahala nang mangitim sila basta huwag lang madapuan ng kahit na katiting na sinag ng araw ang makinis at maputing kutis ng kanilang amo.

Sa pamatay nitong taas na takong ng sapatos, isang palaisipan sa mga kalalakihan kung paano siya nakakalakad ng parang isang propesyunal na modelo.

She walked gracefully at the cobblestone pathway that connects to her family's large, Impressive mansion.

Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sakaniya ang dalawamput siyam na mga katulong na nakayuko sakaniya. Inaasahan na nila ang pagdating ng dalagita.

"Maligayang pagbabalik, prinsesa Rhianne."

Tinanguan lang ng Dalagang Rhianne ang mga katulong at sa hudyat ng butler ng mansion nila'y nilisan na ni Rhianne ang bulwagan at nagtungo sa meeting room.

"Rhianne Ariella of Keu mai Familly." Anunsyo ng buttler pagkapasok ng dalaga sa loob ng silid.

Tulad ng inaashan niya, nakaupo na ang lahat ng mga pamilya at siya nalang ang hinihintay.

She always liked it. Yung pakiramdam na kinakailangan ka pang hintayin para magsimula ang meeting. Patunay lang na mas inferior ka sa lahat.

"Forgive us for the inconvenience. My daughter's schedule is very hectic."

Napairap si Rhianne sa mga sinabi ng ina. Hello? Bahay nila ito! Nasa teritoryo nila sila! She and her family can do whatever they want!

"It's alright, now that Rhianne is here we can finally start our meeting." Rhianne's father spoke.

Matunog na naglakad ang dalaga tungo sa sarili nitong upuan at doon nagpakalumbaba.

"Welcome, I'm Zhardo, the speaker for today." Bati ng tatay ni Rhianne. The head of Keu Mai family.

"I would like to welcome everyone of you. The first family, Xia Arie... The second, Vae'ama family, The third,  Inoue Family,  The fourth, My family--Keu mai. The fifth, Sha'adi family, The sixth, Viv'llede  family, The Seventh, Aeguo family, The eighth, Vhircressa Family, the nineth, Yxuen Family and the Last family, Shizuma---"

Natigil sa pagsasalita si Zhardo nang mapagtantong wala na pala ang huling pamilyang inaasahan niyang dadalo ngayon. Tatlong taon na ang lumipas ng mabalitaan ng lahat na patay na ang pamilyang hinahangaan ng lahat. Kaya di maiwasang malungkot ni Zhardo.

"Ahem!"

Napakurap si Zhardo sa gulat. Natukoy ng lahat ang pinagmulan ng pagtikhim na yon at nagmumula ito sa pamilyang matagal nang pumalit sa puwesto ng dating pamilya.

"Ah!! Forgive me.. medyo nauulyanin na ako.. anyway, The Last Family, Horaken."

Ngumisi si Viu na siyang tumikhim kanina. Mayroon itong mahabang abong kulay na buhok na na nakapusod. Siya ang nagiisang anak ng Horaken Family.

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon