(The Story of Frost, Yvette and Yvonne Part 2)

115 20 1
                                    

Umalingaw-ngaw sa buong pamamahay ang malayong tunog ng mga hampas ng kahoy na siyang nagdala sa batang si Frost sa pinagmumulan nito.

Suot suot pa nito ang kanyang damit pantulog habang nakapaang naglalakad sa walang-lama'ng hallway ng pamamahay ng Pamilyang Inoue.

Maya maya ay natanaw nito ang isang silid na mistulang pinagmumulan ng mga kakaibang tunog na nagpabangon sa kanyang umaga.

Sa may pintuan nito ay nakatayo ang isang magandang babae na may hawak hawak na tray ng pagkain. Pansin ni Frost na parang nagdadalawang-isip itong pumasok sa silid.

"Good morning po!"

Masayang bati ng batang lalaki na siyang halos ikatalon sa gulat ng babae. malapit na sana niyang mabitawan ang kanyang dala-dala kundi lang sa maayos nitong balanse at tindig.

"Oh? Ikaw lang pala yan, Frost... Anong ginagawa mo dito?"

Ang babaeng ito na mayroong magandang ngiti na kayang lusawin ang kahit na sino, maging ang maliit na si Frost ay walang iba kundi ang kanyang Auntie Claire.

"A-Ahm... A-ano po k-kasi..."

Nagkanda untal-utal si frost habang naghahanap ng dahilan nang unahan na siya ni Claire.

"Nagising ka rin ba sa pageensayo nina Yvette at Yvonne? Ang silid na ito ay ang kanilang training room." Saka nito itinuro ang pintuan ng silid.

"Ah! Sakanila po ba yang dala dala niyo?" Tukoy naman nito sa hawak hawak nyang tray na may dalawang plato ng pagkain at dalawang baso ng tubig.

Agad namang namula si Claire saka tumango. "Alam mo kase, kahit pa masama ang mga yan saakin... At sa iba pa nilang mga kamag anak... Hindi namin mapigilan ang aming sariling alagaan sila dahil ipinagkatiwala na ng mga magulang nila sila saamin bago sila namatay."

Bahagyang nagulat si Frost sa natuklasan atsaka napayuko.

'They're the same with me..."

"Tita, pwedeng bang ako nalang po ang magbibigay sakanila nyan?"

"Sige ba... Pero binabalaan kita, madalas kase nilang binabalewala ang mga binibigay kong almusal sakanila."

Nagtataka man ay binigay parin ni Claire ang tray kay Frost. Sa isip isip nito ay Mas mabuti kung makipaghalubilo ang kanyang mga pamangkin sa isa't isa kesa sa magturingan na magkakaaway.

"Sisiguraduhin ko pong kakainin nila ito. Hindi naman po pwedeng masayang nalang ang pinagpaguran nyo" ngumiti ng kaibig-ibig ang batang si Frost na siyang kumiliti sa puso ni Claire.

Pinagbuksan nito ng pinto ang batang lalaki upang ito ay makapasok sa loob ng silid ng hindi nahihirapan. Bahagya niya na ring sinilip ang kanyang dalawang pamangkin at tanging buntong hininga nalang ang nagawa nito nang masulyapang naglalaban ang mga ito gamit ang kanilang kahoy na espada.

'ang mga bata ay dapat gumagawa ng mga kaibigan. Ngunit tingnan mo ang mga pamangkin ko, wala nang ibang ginawa kundi kalabanin ang isa't isa! Sana lang ay magkasundo sila ni Frost... Mukha pa naman siyang mabuting bata'

Inaalala nito na baka ibully ng kanyang mga pamangkin si Frost. Ngunit sa ngayon ay wala syang oras para alalahanin ang mga bata at mayroon pa siyang nilulutong napabayaan para sa lahat mamayang agahan. Dali dali nitong nilisan ang lugar at tumungo papunta sa kusina.

***

Madaling araw palang ay nagsisimula na sina Yvonne at Yvette na magtagisan ng kanilang mga kapangyarihan sa yelo at sa iba pang larangan. Walang sino man ang nakapagpapatigil sakanila sa tuwing nagsisimula na silang maglaban lalo pa't kung maglalaban sila gamit ang kanilang mga kahoy na espada tuwing umaga.

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon