0.1 - Status

384 48 1
                                    

PROLOGUE CHAPTER 1

"Rei."

Naiangat ko ang tingin sa kung sino mang tumawag saakin.

"Mabuti naman at nagising ka na."

May lalaking asul ang buhok, walang pangitaas na damit at nakamaong na shorts ang pumasok sa'king silid.
kumuwa siya ng upuan at umupo sa gilid kung saan ako nakaratay.

"Anong Kailangan mo?"

"Detalye, Rei. Anong nanyari sa mga magulang mo?"
Hindi muna ako sumagot agad sa kaniyang tanong.. Bumuntong hininga ako Saka tumingala sa maputing kisame ng aking silid.

"Namatay sila... Hindi ko alam kung paano... basta may lumitaw nalang na isang malaking Earth worm at sumira sa bahay namin."

"Nasaan ka nang mga oras na iyon?"

"...Pauwi na ako sa bahay mula sa paaralan."

"At sinubukan mong pasukin ang bahay niyo nang madatnan mo ang mga nangyari, para sana'y sagipin ang mga magulang mo. Pero nalaglagan ka ng debris ng nasisira niyong bahay kaya ka nandito ngayon."

Matapos nyang ipaliwanag ang mga sumunod na nangyari ay panandaliang namayani ang katahimikan.

"..."

"...But something doesn't add up Rei..."
Maya maya'y Pag-amin niya kaya napatingin ako sakaniya buhat ng kuryosidad.

"Both of your parents are Heroes... Hindi sila mamamatay sa pipitsuging Chimera na yan. They're the world's elite Heroes. Something else must have happened." Nagtatakang saad niya.

"So ang sinasabi mo... hindi chimera ang pumatay sa mga magulang ko, kundi ibang tao, o nilalang?" Paglilinaw ko, pero nagkibit balikat ang lalaki.

"Hindi ako sigurado Rei pero Iyon lamang ang nakikita kong lohikal na dahilan sa pagkamatay nila."

Napabuntong hininga ako.

"Oo nga pala, saan ka na titira ngayon? May kukupkop ba sa'yong kamag anak?" pagiiba niya sa usapan. Napatingin naman ako sa isang adoption certificate sa lamesa, katabi ng higaan ko.

"Si Lolo... Ang amain ni Mama... kinup-kop niya ako bilang kanyang legal relative nitong linggo. Ipapadala na ako ng mga pulis sakaniya bukas ng hapon."

Ngayon ay naalala kong hindi ko pa pala nakikita ang hitsura niya... Hindi siya kailanman nabanggit nina mama o papa saakin. Paano kaya niya ako ituturing...?

"Well... best wishes for you, Rei." Inabot ng kamay ng lalaki ang kulay itim kong buhok saka iyon ginulo-gulo.

Napakalamig ng kamay niya...

"Aalis na ako. Marami pa akong tratrabahuin." Saka siya tumayo at ibinalik mula sa dati ang kinuwa niyang upuan.

Nakita ko ang malapad niyang likod na naglalakad papunta sa pintuan ng kwarto.

Aalisin ko na sana ang aking mga mata sakaniya nang umalingawngaw nanaman ang kanyang malalim na tinig.

"I hope you survive this Cruel World, Rei."

Sinundan iyon ng malakas na pagsara ng pinto at malamig na hangin mula sa nakabukas na bintana sa tabi ng aking kama.

Muli akong napabuntong hininga.

Bakit ganito? Bakit wala akong maramdaman sa pagkawala ng mga magulang ko? Bakit tanging buntong hininga nalang ang aking magawa?

Hindi ba't dapat umiiyak ako? Sampung taong gulang pa lamang ako at ulila na ako... Pero bakit hindi ko magawang sumimangot man lang?

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon