1.12 & 1.13 - Escape

135 26 2
                                    

(Refer this conversation to arc 1 chapter 3)

"Whatever... Just wake that woman up. She's not supposed to be sleeping in the middle of a competition."

"Competition!? This is not just a competition! How could you be so cruel..."

"Manahimik ka at sundin mo nalang ako, stupid four eyes..."

"Tss ang sungit mo naman! Anyway, ano ba talagang nangyari? All of this happened because she sought for that special spirit. Hindi ba't mga evil spirits muna ang uunahin?"

"Special spirits will grant you bonuses. O sa madaling salita, it will Fulfil whatever you wish for. You know Rhianne, kapag may bagay na kayang tuparin ang kahit na anong hiling niya, she will go nuts for it."

"kahit pa magagamit lang niya sa susunod na round? There's even no guarantee that she'll pass this round! "

Hindi intensyon ni Rei ang makinig, ngunit nakuha ng paguusap nina Sage at Yohan ang kanyang atensyon kaya tumigil muna ito saglit at nagtago sa di kalayuan.

Balak na niya sanang umalis dahil wala na siyang dahilan para magtagal pa kasama sina Yohan, Sage at ang walang malay na si Rhianne at mayroon pa siyang dalawang kaluluwa huhuntingin ngunit nang maalala niya ang kaluluwang sumanib kay Rhianne kanina Sa paguusap na 'yon nina ni Yohan at Sage, hindi niya mapigilang isipin na mayroon itong koneksyon sa pangyayaring iyon.

"But maaann i wish i have one! Don't you think it's cool if you have something that will grant anything you wish for? Parang si Genie lang sa Aladdin!"

Napaangat naman ang kilay ni Yohan sa sinabi ni Sage.

"I didn't know that you're quite childish, Sage.. You even watch those stupid cartoons."

natawa si Sage sa pahayag sakanya saka naiilang napakamot sa batok.

"Naimpluwensyahan lang naman ako ni Vhincent... He's such a man child. "

"hm.. But unlike the lamp where that blue genie will pop out, if you caught a special spirit, it will be extracted into an orb. And you can only summon it through your magic circle. Then, instead of three wishes, you will be asked for one and one only instead. So you better choose what you want carefully."

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa Matapos sabihin iyon ni Yohan. Ngunit di nagtagal ay sumalagpak din sa kakatawa si Sage.

"Bwahahahahaha! Ang lakas ng loob mong makapanglait tapos pati ikaw, nanood din pala ng cartoons!"

Agad naman itong napagtanto ni Yohan at agad na namula ang pisnge sa pagkapahiya.

"Tell me, how much more cartoons did you watched besides Aladdin? Don't be shy, di ko ipagkakalat sa angkan mo! "

"S-Shut your mouth Sage before I set it on fire"

"look how red your face is! Lol"

Hindi na masyado pinagtuunan ni Rei ng pansin ang paguusap nilang iyon dahil hindi naman niya ito maayos na naintindihan. Subalit nang malagay siya ngayon sa isang mapanganib na sitwasyon, saka lang niya ito naintindihan.

Taimtim nitong ikinuyom ang kamao sa harapan ng malaking chimera na mayroong katawan ng leon at ulo ng dragon.

Mabuti nalang at naalala ni Rei ang paguusap iyon nila ni Sage at Yohan. Ngayon ay mayroon na itong ideya kung paano makaalis sa silid.

'I will use it... To escape!'



Samantala, ang chimera naman na kinahaharap ni Avery ay kanina pa hindi nagpapakita sakanya. Kaya naman ay bahagya itong nainis ngunit tinapalan iyon ng kanyang malokong ngisi.

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon