1.10

135 30 0
                                    


"Clack!"

Bumagsak ang kahoy na espada, kasabay ang pagbagsak ng maliit na katawan ng isang bata sa sahig.

"Anong ginagawa mo dyan, Avery!? Tumayo ka!" Sigaw naman ng isang matanda na siyang nagpatumba sa batang nagngangalang si Avery, gamit lang ang isang espadang gawa rin sa kahoy tulad ng sakanya. Mistulang kumakatawan ito bilang guro nito ng matagal ng panahon.

"You've defeated me. This fight is finished." Walang kagana-gana namang ani ni Avery pabalik habang nakadapa pa sa sahig.

"Kailan ka ba magtitino? Labing isang taong gulang ka na at hindi parin umuusbong ang mastery mo sa pagiging swordsman! Napagiiwanan ka na ng mga kuya mo!"

"You wanna know why?" Sa pagkakataong ito ay inangat niya ang tingin sa matanda na may nakakalokong ngisi sa mukha. "Because i don't wanna be a swordsman!"

"You insolent child! Kapag narinig yan ng mga miyembro ng iyong pamilya lalong lalo na ng iyong ama, ay mapaparusahan ka!" Pagalit na sinundot-sundot ng matanda ang ulo ni Avery gamit ang dulo ng espada nitong kahoy habang pinapagalitan niya ito.

"The Vae'ama clan is known for their unique swordsmanship. Halos lahat ng miyembro ng iyong pamilya ay puro mga swordsman! At ngayon, sasabihin mong ayaw mong maging isa sakanila!? Alam mo bang kalapastanganan iyan sa iyong buong angkan?!"

"Pff i think you're overreacting old man... All i know is that I don't have the ability to wield a sword. That's it ."

"But what about your brother? He's a peculiar who's compatible with guns and explosives and yet, he's able to wield a sword!"
Napairap ang batang si Avery saka ito bumangon at umupo patalikod sa matanda.

'He's probably talking about him again... Lahat ng miyembro ng angkan ay siya ang mukambibig. Nakakasawa...' Anya sa isipan saka naiinis na tumayo sa pagkakaupo at dinukot ang kaniyang mga damit.

"I'll be taking my leave. Gusto ko ng makaalis sa kimono na ito... It's so itchy..."

"Avery! San ka pupunta?? Hindi pa tapos ang pageensayo mo! Bumalik ka dito!"

"Nah, my family are still paying you even if you don't train me. So enough this nonsense. Until next time!" Saka ito lumisan sa silid na pinageensayuhan niya at ng kanyang buong pamilya.

Maririnig ang mga protesta ng matanda sa nakasaradong pintuan ngunit hindi na ito pinansin pa ni Avery at nagpatuloy lang ito sa paglalakad sa makitid na Pasilyo.

Mahigit limang taon na rin mula nang malaman ng kanyang pamilya na isang peculiar si Avery at nang simulan nito ang pageensayo ng pageespada. Ngunit mula noon at magpahanggang ngayon, ay mistulang hindi parin ito nakakagamit ng espada na naging dahilan ng panghahamak sakanya ng kanyang pamilya.

Nakapagdesisyon na si Avery noon pa man na hindi pageespada ang para sakaniya. Ngunit ang problema nga lang ay kung anong sandata ang nararapat sakanya. Magpahanggang ngayon ay hindi parin siya sigurado.

Maya maya pa ay makikitang papalapit ang isang katulong na siyang nagpaangat ng tingin ni Avery mula sa kanyang mga paa.

"Avery sir, pinapatawag daw po kayo." Bakas na bakas ang pagtataranta nito. Mapapansing kanina pa ito balisa.

"Who called for me?" Anito. Ang kanyang nasa isipan ay ang kanyang kasalukuyang kasuotan.

'Hindi pa ako nakakapagpalit...'

"Your family sir..."

'All of them? How bothersome... It only means that it's urgent.'
Napailing si Avery sa pagkadismaya.

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon