1.7 - The Unknown Martial Art

164 38 1
                                    

"..At ang sino mang nakakuha ng 50,000 points o mahigit, ay siyang magpapatuloy sa second round ng examination."

Umalingaw-ngaw sa kahit saang sulok ng paaralan, maging sa buong Arena ang matipunong boses ni Gin Kung kaya't ang sino mang nakarinig nito ay mayroong iba't ibang reaksyon.

Ang iba'y napadapa sa sahig dahil bigo silang makakuha ng mataas na puntos. Ang iba pa nga'y halos walang nakuha. Karamihan nama'y naibaba ang mga balikat sa pagkadismaya. Mayroon silang sapat na puntos, ngunit hindi na nila nagagamit pa ang kanilang mga kapangyarihan. Umasa lang ang mga ito sakanilang physical strength at kahit papano'y naabot din nila ang 50'000 points. Nabibilang na rin dito ang walang expresyong si Rhianne na nakakuyom ang kamao habang nakatitig sa kanyang nakuhang puntos.

Habang ang ilan naman, ay pinalad na nakakuha ng mataas na puntos. Kabilang na roon si Yohan na matapos marinig ang announcement ay napaupo sa lupa buhat na rin ng kapaguran. Hindi makikita ang kaniyang mga mata dahil natatabunan ito ng kanyang puting buhok. Walang sino man ang nakakaalam kung ano ang kasalukuyan nitong nadarama, o binabalak. Gayunpaman, Siya ay nakakuha ng 85,000 na puntos.

Habang sina Mai at Mei naman ay walang masyadong naging reaksyon sa announcement. Patuloy lang sa paglamon ng pagkain si Mai habang nagpatuloy naman sa pag-cultivate sa paligid si Mei.

Sa kabilang banda naman ay nakangising tinitigan ni Yvette ang kanyang kasalukuyang puntos. Mayroon siyang 89,500 points. Dahil sa taas ng kanyang puntos, nakatitiyak siyang mas nakakataas siya sa kapatid niya. Ngunit nang silipin niya ang puntos ng kapatid, ang kanina nitong magandang ngiti ay napalitan ng simangot.

Si Yvonne na taas noong nakatindig sa harapan ng kanyang ate ay mayroong 95,999 na puntos.

Pinalakpakan naman ni Frost ang dalawang kapatid ng may masayang ngiti. Nakakuha lamang siya ng 83,234 na puntos at kontento na siya dito. Hindi nga maintindihan ng mag-ate ang kanilang pinsan. Paano ito naging kontento sa kasalukuyang puntos? Inaasahan nga nila na mas hihigit ito sakanilang dalawa.

"Binibigyan nyo nanaman ako ng tingin na ganyan.." umiling-iling ang binatang si Frost. "Hindi ba't sabi ko nung una pa lang, na mas mahalaga saaking makapasa? Hindi yung makahigit sainyong dalawa?" Saka nito binalingan ng tingin ang isa pang binata na nagtatago sa likod ni Yvonne.
"ikaw? Ilang puntos ang nakuha mo?"

Napaurong bahagya ang binata dulot ng gulat at kaba. 
"..Nhn...N.."

"90,678."
Si Yvonne na ang tumapos sa binata na syang ikinagulat ni Frost at lalong lalo na ni Yvette.

"What!!!?"

"That's Amazing!"

"No, Frost! That's not amazing at all!"

Matalim na tinitigan ni Yvette ang pinsan pati narin ang kanyang kapatid. Hanggang sa unti-unti itong tumulis nang dumako ang kanyang mga mata sa binatang naliligo ng pawis at sobrang nanginginig ang tuhod na pilit itinatago ang sarili sa likod ni Yvonne.

"You cheated, didn't you? Answer me!!"

Hindi siya makapaniwala. Hindi niya kailanman matatanggap na nahigitan siya ng isang Nobody at weakling na katulad ng binata. Ni hindi pa nga nito alam ang pangalan at kakayahan nito!

"Don't be such a fool. if he did cheated, sana'y nabisto na siya ni Sir Gin kanina pa. Tanggapin mo nalang kasi ang katotohanang kahit na ang isang basurang tulad ng lalaking ito, ay kaya kang higitan sa lahat ng larangan, kahit pa sa lakas na buong buhay mong ipinagmamayabang.-- Which only proves that you're still average in the eyes of everyone especially, to me."

The Normal HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon