Chapter 09

829 25 0
                                    

MAS LALO PANG NIYUKO ni Serenity ang ulo nang makarating sila sa parking lot ng school. Open space ang nasa harapan nila kaya medyo maingat siya. He told her earlier that his car is heavily tinted but why is she still nervous?

"Go now. I'll leave after five minutes." Sambit ng binata matapos alisin ang safe belt at sumandal habang nakapikit. Ang braso nito ay nasa bintana at tinatakpan ang mukha mula sa sinag ng araw.

Nakagat niya ang labi. "Hindi ba dapat ikaw ang mauna?" Aniya. "I mean, it's your car so you go first. I'll just leave when the school bell rang."

Bumuntong hininga ito pero nanatiling nakapikit. "Is that what you want?"

Napayuko siya nang marinig ang tono sa boses nito. She's suddenly feeling guilty. Ayaw rin naman niya ng ganito pero kasi kapag nakita silang magkasabay na dumating gamit ng iisang sasakyan, baka magkaroon na naman ng issue tungkol sa binata. Wait—does he know about the issue that's been going on lately?

Umayos siya ng upo at akmang magsasalita nang kumilos ito at nilahad sa kan'ya ang susi ng sasakyan. "Make sure you lock the car." Dala ang isang sling bag na itim ay mabilis itong lumabas at naglakad papalayo.

Nakita niya pa ang pagsalubong rito ni Miss Briane na sobrang lapad ng ngiti. She gritte her teeth when she saw her run her hand seductively to his arms while he's talking. She then grab him on his hand and went inside the faculty building.

"Aiysh." She stomp her feet on the floor. She can't believe she's getting irritated about it so early in the morning. But really? Wala man lang ba itong pakialam sa ginawa ni Miss Briane? Umingos siya. Maybe he likes it. Of course. She's beautiful, sexy and smart. Hindi nga lang niya alam kung mabait ba.

Napabuga siya ng hangin at sumandal. Maybe he also knew about the issue but care less about it. Ano bang dapat niyang asahan? Eh, siya na nga itong parang nagtutulak dito papalayo tapos siya pa ang maiinis kapag may ugnayan ito sa ibang babae? She's really getting dumb and selfish.

Pero kahit na. Isn't a man suppose to wait and settle his attention to the woman he's willing to date? Kahit nasa twenty-first century na sila ngayon sana naman meron pa ring gan'yan.

But he's your professor. Saad ng isang bahagi ng isip niya. Natigilan naman siya roon kasabay ng isang walang kwentang pag-iisip na bigla nalang nagpop-out. Aside from that, there's also realization. Pumasok na ito sa isip niya noon pero bumalik ulit ngayon. Para siguro iparemind na naman sa kan'ya ng sarili ang pader na hindi niya dapat lampasin.

He have a great profession and she's still a student. Wala pang maipagmamalaki.

She sigh and collect her things before slowly getting out of the car. Wala nang masyadong estudyante sa paligid which is good. Kagaya ng sinabi ng binata ay nilock niya ang sasakyan gamit ang susi na hawak. When she heard the beep sound ay doon lang siya umalis. Her Department is a little bit far but she can still manage to get there in no time.

"Serenity!"

Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa taong tumawag sa kan'ya. Making his way to her, Calvin smile and greet her a good morning. Binati niya rin ito pabalik at ngumiti ng konti.

"Alam mo ba ang tunay na namamagitan kay Professor Montecillo at Miss Tesoro?" Biglaan nitong tanong habang naglalakad sila. "I assume he's one of your subject teacher?"

She just glance at him for a second before turning back her attention to the road. "Why did you ask?"

"Hmm." Ipiniling nito ang ulo. "May mga speculation kasi na sila na raw or something like that."

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. Nakita niyang natigilan rin si Calvin na agad ring nagtanong.

"Bakit? May problema ba?"

When It RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon