Chapter 7

100 12 6
                                    

Yuna

Nagulat ang buong klase sa pag pasok ni Troy dahil sa mga sugat at pasa nito sa mukha. Hindi makapaniwala ang lahat dahil alam nila na hindi ugali ni Troy ang makipag away.

Napatayo naman si Clara sa kina uupuan nya nang makita nya ang itsura ni Troy.

"Oh my god! Troy! Anong nangyari sayo?"

"Sino may gawa sayo nyan?"

"Kamusta ka? Okay ka na ba? Masakit pa ba?"

Mga tanong ni Clara habang sinusundan nya si Troy papunta sa upuan nito, pero hindi sya pinapansin ni Troy.

"Bakit ba ang kulit mo??" gigil na tanong ni Troy sabay kamot nito sa ulo nya na para bang inis na inis sya.

"Sagutin mo kasi ako. Anong nangyari sayo? Sinong may gawa sayo nyan??"

"Wala ka nang pake don!" madiin na bigkas ni Troy at umupo, "..kaya pwede ba, umalis ka na??"

"Bakit ka ba ganyan sakin? Ang sama mo!"

Nag walk out si Clara dahil sa sama ng loob. Sumosobra na yata itong si Troy. Nung last week lang hindi rin maganda ang pananalita nya kay Clara, tapos ngayon ganito naman. Alam kong hindi nya gusto si Clara pero hindi naman sya ganito umasta noon sa kanya.

"Hoy! Bakit ganyan ka mag salita? Concern lang naman sayo yung tao." singhal ko sa kanya.

"Wala akong pake! Nakakairita sya! Sakit nya sa ulo. Sana di na sya pinanganak ng nanay nya." masungit na sagot nito sa akin.

"Hoy, Troy ha. Masama yan." sagot ko pero sinungitan nya lang ako lalo.

"Tama. Kaya ayoko sa babae e."

Napalingon naman ako sa sinabi ni Jax, tinignan ko lang sya. Kaya siguro ayaw nya akong maging kaibigan dahil ayaw nya sa babae? Pero bakit?

"Hindi naman sa ayaw ko sa babae, ayaw ko lang talaga sa kanya at sa grupo nila." sagot ni Troy kay Jax.

"Kaya ikaw.." turo ni Troy sakin, "..wag mo nang kakausapin yung mga yon ha."

Umupo ako patagilid para maka harap ng maayos kay Troy.

"Bakit naman? Kaibigan ko sila, at hindi porket ayaw mo sa kanila e dapat ko na rin silang iwasan."

"Ah basta! Makinig ka nalang sakin, kasi baka mabalibag lang kita dyan sa bintana kapag sumagot ka pa."

Ang sungit mo naman, may dalaw ka ba?

Maya maya pa ay umingay na naman ang buong klase, dahil naman sa pag dating ni Jethro.

"Huyy tignan nyo yun"

"Ang dami nyang pasa at sugat"

"Ano bang bago?"

"Nag away ba sila ni Troy?"

"Grabe, ang sama nya talaga"

Mga bulungan at ingay na naririnig ko sa loob ng classroom.

"Tingin ko hindi sya masama."

Napalingon ulit ako kay Jax nang sabihin nya yon, feeling ko tahimik lang talaga si Jax pero hindi ibig sabihin non e wala na syang alam sa nangyayari sa paligid.

Sinang ayunan ko naman sya.

"Tama ka. Mabait naman talaga sya eh."

"Ano? Anong sinasabi nyo!?" bulyaw ni Troy.

"Ang sabi ko hindi sya masama.." pag ulit ni Jax.

Halatang inaasar nya si Troy. Kaya ginaya ko rin sya. "At ang sabi ko mabait naman talaga sya."

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now