Chapter 5

164 19 17
                                    

Yosef

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Yosef the Genius
5 members online


Paalis na kami. San na kayo?

Troy
Bahay pa

Nikolas
Dito ako kanila Stan

Tara na. Ikaw Troy, tara na
sabay kana samin ni Yuna

Yuna
Nako, pustahan di pa naliligo
yang kurikong na yan.

Stanley
Guys, sino pwedeng dumaan
kanila Hugo?

Bakit?

Troy
Hoy Yuna! Naligo na ako kagabi
kaya no need na maligo today

Nikolas
Daanan daw sya sa kanila, may
aso raw kasi na nakawala sa
tapat nila.

Parang bading eh.

Yuna
Aalis tayo hoy maligo ka!

Nikolas
Ligo ligo din. Hahahaha!

Hugo
Guys help. Huhuhu :<

Sige, kami na susundo sayo.

Stanley
Salamat, Sep. May ginagawa
lang kami ni Niko, alis na rin kami
pag tapos.

Troy
Naol may ginagawa

Hugo
Sino bading satin ngayon @Niko

Yuna
STAN BAKET??????

Stanley
Mga sira! Hahaha. Nag papatulong
lang samin si Dad mag buhat ng
mga gamit sa garahe.

Troy
Ahhhh.. Akala ko eh. Hehehe.

Hugo
Pero kung ano, may chance ba?

Stanley
Kung babae sya, at higit sa lahat
kung hindi ko sya pinsan!! Mga
loko

Talagang sinagot nya rin eh

Nikolas
Mga gago

Babae hanap ko!

Troy
HAHAHAHAGAHAFAHA

Hugo
Hahahaha joke lang eh

Oy papunta na kami dyan.
Ano Troy, sasabay ka ba?

Troy
Hindi na, una na kayo.
Ligo lang ako, 5 mins. Hehe

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━


Papunta na kami ni Yuna ngayon kanila Hugo. Niyayaya ko na rin sana si Troy dahil malapit lang naman sila sa amin, kaso hindi pa pala naliligo ang mokong.

"Teka kuya, ikaw nalang kaya sumundo kay Hugo?"

"Bakit? Takot ka rin sa aso?"

"Hindi no. Naisip ko lang kasi, si Niko at Stan may ginagawa pa, si Troy naman naliligo pa, tapos susunduin pa natin si Hugo. Anong oras na tayo makakarating nyan sa resto, punuan pa naman dahil weekend. Kaya naisip ko what if mauna na ako dun para makapag pareserve na ako ng table."

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now