Chapter 12

128 17 11
                                    

Troy

Agad kaming tumakbo ni Yosef sa ospital matapos namin matanggap ang tawag ni Hugo. Sa totoo lang hindi klaro ang pag kakasabi ni Hugo kung anong nangyari dahil sobra syang nag papanic. Basta ang sabi nya lang nasa ospital sya kasama si Yuna, Jax at Jethro.

Pag pasok namin sa kwarto ni Yuna ay nagulat kami sa itsura nya. May mga sugat sya sa braso, pati na rin sa kanan nyang kamao, pero ang hindi namin alam, mas marami pa pala syang sugat sa katawan.

Agad namang niyakap ni Yosef si Yuna.

Ako naman, nandito lang sa likod, nakatayo, at galit na galit. Hindi ako nag sasalita dahil hindi pa kami okay ni Yuna, pero hindi ibig sabihin non wala na akong pake sa kaibigan ko.

"Sinong may gawa sayo nito?" galit na galit na tanong ni Yosef.

Kinwento ni Yuna ang lahat ng nangyari sa kanila ni Jethro. Kinwento rin ni Hugo nung dumating sila ni Jax.

"Yung gago na yon, nanaman? Mag babayad sya!" nanggigigil na saad ni Yosef.

"Excuse me, kayo po ba ang kasama ng pasyenteng si Jethro Javier?

"Oo! Nasan sya?" tanong ni Yosef sa nurse na pumasok sa kwarto ni Yuna.

"Nasa Emergency room parin po ang pasyente, maraming dugo ang nawala sa kanya at critical ang lagay nya ngayon. Nandito po ako dahil kailangan namin ng blood donor, may type O ba sa inyo?"

"Type O ako, mag dodonate ako." -Yosef

"Ako din, type O ako." -Hugo

"Okay, sumunod po kayo sakin."

Lumabas na si Yosef at Hugo kasama ang nurse. Naiwan naman ako dito sa kwarto kasama si Yuna, pero tahimik pa rin ako.

"Kasalanan ko 'to. Ako dapat ang nandon, hindi sya." mangiyak ngiyak na sabi ni Yuna sa sarili.

"Tumigil ka! Hindi pa ba sapat na nasa ganyan kang kondisyon!?" napipikon kong sigaw kay Yuna.

Bakit ba mas iniisip mo pa yung ibang tao? Palagi nalang. Unahin mo namang isipin yang sarili mo.

"Pero yun ang totoo! Hindi ako gumagawa gawa lang ng kwento para lang mag bago ang tingin mo kay Jethro. Lahat ng sinabi ko totoo! Kung hindi sya humarang baka wala na ako ngayon." sabi nito at tuluyan na ngang umiyak.

Niyakap ko si Yuna.

"Sorry. Sorry kung wala ako don para protektahan ka. Naalala mo yung sinabi kong hindi ka pwedeng mawala hangga't nandito ako? Kasi simula nung araw na niligtas mo ako, nangako ako sa sarili ko na poprotektahan kita, na ililigtas din kita balang araw. Ang tanga ko! Hindi pa rin kita maprotektahan hanggang ngayon."

Umalis si Yuna sa pag kakayakap ko sa kanya, pinunasan nya ang luha nya at humarap sa akin.

"Hindi, Troy. Ako dapat ang mag sorry. Sorry kung naging makulit ako. Tama ka naman eh, wala ako sa posisyon mo para sabihin yun. Wala akong alam, hindi ko alam yung naramdaman mo nung mga panahong yun. Kaya sorry, sorry kung hindi ko pinahalagahan yung nararamdaman mo."

"Sorry din, sa mga nasabi ko sayo. Alam mo naman na hindi ko rin gusto yung mga nasabi ko sayo, diba? Sorry, Yuna."

Tumango si Yuna at ngumiti.

"So... Bati na tayo??"

"Syempre naman. Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal, best friend kaya kita."

"Pero wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko, Troy. ─Sana mapatawad mo na rin sya. Niligtas nya ang buhay ko at sana mabigyan mo sya ng chance bago pa mahuli ang lahat..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now