Chapter 1

588 35 19
                                    

Yuna

*BANG!! BANG!! BANG!!!*

Nagising ako sa sunod sunod na kalampag mula sa pinto ng kwarto ko.

"Oo na.. Gising na.." inaantok ko pang sabi. Agad namang natigil ang ingay sa pinto ng kwarto ko.

Dumaan na ang alarm clock ko. Este, si kuya.

Ewan ko ba, pero sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos, palagi nya yong ginagawa, may pasok man o wala. At hindi sya tumitigil sa pag katok sakin hangga't hindi nya ako naririnig na sumasagot.

Agad na nga akong bumangon, mabilis na naligo, nag bihis at nag ayos tapos bumaba na ako para kumain ng almusal.

"Good morning!" masigla kong bati pag dating ko sa dining area.

"AAaaAHhh!!!!-"

Sigaw ng kapatid ko nang makita nya ako, halos matapon pa ang iniinom nyang kape dahil sa sobrang oa nya.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa reaksyon nya "Bakit na naman!?"

"Y-yung mukha mo.." nauutal nitong sabi sabay lunok pa na akala mo may kinakain na bato "..nakakatakot- NYAHAHAHA!!"

"Bwiset ka!" singhal ko sa kanya.

Sabi na, mang aasar na naman 'tong pandak na 'to eh. Pasalamat ka Yosef Mendoza, mag kamukha tayo. Kung di ko lang nakikita ang sarili ko sayo, baka matagal na kitang na-flying kick!

"Oh, ang aga aga nag aaway na naman kayong dalawa? Halika na dito, bunso. Kumain ka na." sabi ni papa na may dalang fried rice galing sa kusina.

Favorite!! The best fried rice na luto ng the best dad in the world. Agad na nga akong naupo at kumain, hindi ko nalang pinansin yung asungot kong kapatid.

Maya maya pa ay tumayo na si kuya at nag paalam na papasok na ito. May gagawin pa raw sya sa school, sigurado namang dederetso lang 'to sa school gym para mag basketball.

"Teka lang! Wait mo'ko!"

Sigaw ko sa kanya, pero hindi nya ako pinansin at dumiretso na sa labas. Kaya nag madali na akong kumain at sunod sunod ko na ngang sinubo ang pagkain sa plato ko.

"Yuna, dahan dahan lang.."

Humahagikhik na sabi ni papa, siguro ay dahil sa itsura ko na halos mabilaukan na sa sobrang puno ng pagkain sa bibig ko, pero patuloy pa rin ako sa pag kain, sayang naman yung niluto ni papa kung hindi ko uubusin diba. Ininuman ko nalang ng tubig para malunok ko agad tapos nag paalam na rin ako kay papa at tumakbo na palabas.

"Kuya!!! Hintayin mo ako!!"

Buti nalang maikli ang mga biyas ni kuya kaya naabutan ko sya. Lol!

Sakit ng tagiliran ko potek, takbo after kumain, ang galing!

Nag lalakad nga lang pala kami lagi papasok at pauwi kasi walking distance lang naman ang school sa amin, mga sampung tumbling ganon. De, basta malapit lang, mga 12-15 mins walk, depende kung panong style ka mag lakad.

Nasa school na kami, si kuya kumaliwa na papuntang gym, ako naman dumiretso na sa room.

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now