Chapter 11

38 1 2
                                    

Yuna

"Jax, eto na nga pala yung panyo mo. ─Thank you! Sorry ngayon ko lang naibalik."

Nagtataka naman ako kung anong ginagawa nya sa panyo nya, binuksan nya at parang may hinahanap sya.

"Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong.

"Chineckeck ko lang, baka may virus ka pang naiwan dito. Mahawa pa ako eh."

"Hoy! Nilabhan ko yan! Maka virus ka naman dyan, akala mo may nakakahawa akong sakit ah." sagot ko at ngumuso.

Kakaiba din 'to mang asar eh, hindi tumatawa, hindi ko tuloy alam minsan kung nag jo-joke ba sya o seryoso sya. Bihira lang din sya ngumiti at tumawa.

"Biro lang, ang tamlay mo kasi nitong mga nakaraang araw eh, bihira ka na tumawa. Nakaka panibago, sanay kasi ako sa ingay nyong dalawa ni Troy eh."

Alam ni Jax ang nangyari sa amin ni Troy. Sinabi ko. Ang hirap naman kasi mag tago sa taong 'to. Tahimik lang sya pero ang lakas maka ramdam.

Napangiti naman ako sa effort ni Jax na patawanin ako, kahit na malungkot talaga ako dahil hindi ako kinakausap ni Troy.

"Pero thank you, Jax ah. Kasi nandyan ka."

"W-wala yon."

"Uy, bakit ka namumula? Hahaha! Ang cute! Hindi ko alam na cute ka din pala, mukha ka kasing masungit eh hahaha!"

"Tumigil ka nga!" naiinis na sabi ni Jax.

"Jax, pwede ba kita bigyan ng nickname?"

"Ang hirap naman pag mag kaaway kayo ni Troy, ako pinag titripan mo."

"Uy, hindi ah. ─Chimmy! Ano okay ba?"

"Huuh??¿ San mo naman nakuha yan??"

"Chimmy. Yung favorite kong cartoon character, cool sya at cute. It fits you. Kaso kulay yellow sya, eh hindi ka naman color yellow, pero ok na yon."

Speechless si Jax sa pinag sasabi ko eh, nakakatawa pa yung expression ng mukha nya, clueless na clueless sya sa mga ka-abnormalan ko. Hahaha!

"Simula ngayon, ikaw na si Chimchim, ok?" sabay tawa ko habang inaasar sya.

"Bahala ka nga. Kung yan ikakasaya mo eh. Bahala ka." naasar na sabi nito. Pero halata naman na natatawa din, pinipigilan lang.

Habang nakikipag kwentuhan ako kay Jax ay dumating na si Troy, kasunod nya pumasok si Ma'am. Isang linggo na simula nung mag away kami, simula rin nun palagi na syang late pumasok.

Araw araw kong sinusubukang kausapin sya pero iniiwasan nya talaga ako. Ngayong araw sinubukan ko ulit syang lapitan at dinedma nya lang ako. Nalulungkot ako kasi namimiss ko na sya, sana hindi na sya magalit sakin.

"Wag ka nang malungkot dyan, magiging okay rin kayo." bulong sakin ni Jax sa likuran.

Ngumiti lang ako. Sa buong linggo na mag kaaway kami. Nag papanggap kami na parang walang nangyari, nag papanggap si Jax na hindi nya alam yung nangyari sa amin ni Troy para hindi magka ilangan, ayoko na ring ipaalam kanila kuya dahil ayokong mag alala sila.

"Okay class hindi muna ako mag lelecture today. Dahil gagamitin natin ang oras na 'to para pag usapan kung anong gagawin natin sa darating na arts festival." saad ni Ms Lopez.

"Nag cecelebrate pala kayo ng arts festival dito??" tanong ni Jax.

"Oo. Masaya yun, last year nag musical kami." sagot ni Troy.

"Ano naman kaya ang gagawin natin ngayong taon?" aniko.

"At base sa botohan natin last week. Mukhang mag ii-stage play tayo para sa arts festival." saad ni Ms. Lopez.

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now