Chapter 10

41 1 1
                                    

𝚙𝚛𝚎𝚜𝚎𝚗𝚝

Yuna

"At yun ang araw na nag kakilala tayo."

"Wait. So ibigsabihin yun talaga ang totoong nangyari sayo?" tanong ko.

"Oo. Kaya malaki ang utang na loob ko sayo, Yuna, kasi niligtas mo ako, hindi sa bugbog, kundi sa mundong ako lang ang mag isa. Dahil sayo nakilala ko si Yosef at sila Niko. Dahil sayo nag karoon ako ng totoong mga kaibigan na binibigyan ako ng halaga."

Hindi na ako nakapag salita dahil sa sobrang lungkot ng nangyari kay Troy. Hinawakan ko lang ang kamay nya para i-comfort sya. Sa totoo lang naiiyak na ako dahil nasasaktan ako para sa kanya, pero pinipigilan ko dahil kailangan ko ring maging malakas tulad nya.

"Ngayon alam mo na kung bakit galit ako sa kanya." saad ni Troy.

Totoo naman, kahit sino magagalit pero naalala ko nung nakausap ko si Jethro, ngayon naiintindihan ko na ang sinasabi nyang gusto nya nang mag bago, at ramdam kong sincere sya sa mga binitawan nyang salita.

"Pero Troy, tingin ko nag babago na sya."

"Nag babago? Hindi mangyayari yan, Yuna." saad nito at inalis ang kamay ko.

"Pero alam kong mabuti syang tao, nararamdaman ko yun."

"Please Yuna, wala kang alam tungkol sa kanya."

"Tulad ng alam ko na umalis na sya sa gang nila?"

"A-ano??" nagulat nitong sabi, "─Wala akong pake! Hinding hindi mawawala ang galit ko sa kanya."

"Gusto nya na talagang mag bago, Troy."

"Please Yuna, wag mo na akong galitin."

"Bigyan mo sya ng chance."

"Hindi."

"Please, Troy.. Ang sabi mo mag best friend kayo, pwede parin naman kayong maging mag best friend ulit eh."

"Yuna, tumigil ka na. Please lang..."

"Bakit ba hindi mo nalang sya bigyan ng chance?? Bakit ba ang tigas tigas mo? Bakit ba hindi mo nalang kalimutan ang nakaraan??" napalakas kong sabi kay Troy. Lumingon naman sya at tinignan ako ng matalas.

"KALIMUTAN? TINGIN MO GANUN LANG YON KADALI? ALAM MO BA YUNG PAKIRAMDAM NG IWAN KA NG NAG IISANG TAONG PINAG KAKATIWALAAN MO? ALAM MO BA YUNG PAKIRAMDAM NA MAG ISA KA LANG AT WALANG IBANG MASASANDALAN? ─HINDI! HINDI MO ALAM YON! TAPOS GUSTO MO KALIMUTAN KO NALANG? ─E KUNG GAWIN KO RIN KAYA SAYO YUNG GINAWA NYA SAKIN? SUSUBUKAN RIN KITANG PATAYIN NGAYON! ─TAPOS SASABIHIN KO SAYONG KALIMUTAN MO NALANG ANG NANGYARI!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Troy. Ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganito. Para akong nanigas sa takot sa kanya, lalo na nang sumigaw sya. Walang lumalabas na salita sa mga bibig ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Mag kahalong takot at inis ang naramdaman ko. Tumayo ako at tinignan sya bago ako umalis, pero iniwas nya ang tingin nya sa akin.

𝚖𝚒𝚗𝚞𝚝𝚎𝚜 𝚊𝚐𝚘

Yosef

"Lumayo ka sakin!" sigaw ni Troy.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." sagot ni Jet.

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nag aaway?" pag awat ko sa dalawa. Parang sasapakin na ni Troy si Jet eh.

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now