Chapter 4

169 22 17
                                    

Yuna

Maaga akong umalis ng bahay ngayon, mas maaga pa sa maaga kong pag pasok lagi. Birthday kasi ni Stan ngayon at wala pa rin akong regalo sa kanya hanggang ngayon. Hays!

Gusto ko sana gumawa ng homemade gift para special kaso nga lang hindi naman ako marunong gumawa ng mga ganon, kaya naisipan kong bumili nalang.

Habang nag lalakad ako papuntang gift shop ay may naramdaman akong bike na papalapit sa likuran ko, yung tipong sasagasaan ako. Bago pa man ako makalingon ay sinigawan na ako nito.

"Hoy Yuna!"

Hmp! Hindi na kailangang lumingon pa. Kilala ko na 'to.

Hindi ko na inalis ang tingin ko sa harap, dumiretso lang ako sa pag lalakad at di ko na sya pinansin, kaya umabante ito at sinabayan ako.

"Snabera yarn?"

"Wag ka ngang magulo dyan, nag iisip ako."

"Luh? Feeling. Wala ka naman non."

"Alam mo ang aga aga pero nandidilim paningin ko sayo, Troy!"

"Hahaha! Joke lang. Ito naman ang sungit. ─Bakit pala ang aga mo ngayon?"

"Wala, may bibilhin lang. Ikaw? Bakit ang aga mo? Naka bike ka pa."

"Nakakainis kasi si Clara eh. Naiwan ko sa kanya yung favorite kong ballpen nung nag report tayo. Ibabalik nya lang daw sakin kapag nakipag kita ako sa kanya ngayon, bawal pa malate ampucha!"

"Hahahaha! KARMA"

"Nakakainis talaga! Bigay pa naman sakin yun nung crush ko nung grade 2. ─Samahan mo naman ako, Yunaaa!! Paniguradong gusto lang akong masolo non. Samahan mo 'ko pls, para makasibat agad."

"Ayoko nga!"

Nag sad face lang si Troy sabay sabing "Edi wag. Kapag ako namolestya, kasalanan mo!" Hahahaha tanga.

"Hay nako, Troy. Ano nalang gagawin mo kapag nawala ako."

"Huh? Bakit ka naman mawawala? Tatanda tayong mag kasama at wala kang magagawa. Wuahahaha!"

"Ahh talaga ba??"

"Oo, bakit? Tsaka may panata ako. Kaya di ka pwedeng mawala hangga't nandito ako."

"Huh? Pinag sasabi mo?"

"Wala. Teka nga, san ba punta mo? Di naman dyan ang daan papuntang school."

"May bibilhin nga kasi ako. Birthday kaya ni Stan ngayon."

"Ay, oo nga no?" tumingin ito sa relo nya at niyaya ako "Tara, samahan nalang kita. Hindi ko na sisiputin si Clara. RIP nalang sa ballpen ni crush."

Troy

Nasa gift shop kami ngayon ni Yuna. Grabe naman katagal mamili ng babaeng 'to, 15 minutes na sya don sa stall ng mga bracelet.

"Huy! Tara na, tama na yan." naiinip kong tawag kay Yuna.

"Teka lang, hindi ako makapili eh. Ano ba magandang kulay?" tanong nito sa akin.

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now