Chapter 3

180 21 4
                                    

Yuna

♪ "No matter how hard I try.." ♪

♪ "You keep pushing me aside," ♪

♪ "And I can't break through.." ♪

♪ "There's no talking to youuu" ♪

"Hoy, Yuna! Mag tigil ka nga. Ang sakit mo sa tenga!" reklamo ni Troy pag katapos nitong higitin ang earphones sa tenga ko.

"Epal ka?? Nananahimik ako dito e!"

"Anong nananahimik? E halos mabasag na nga eardrums ko sayo! Rinding rindi na kami ni Jax sa boses mo."

Lumingon ako kay Jax. Tatanungin ko sana kung naiingayan ba sya sakin, pero bago pa man ako makapag salita, nag suot rin ito ng earphones, yung tipong ayaw nya talaga ako marinig mag salita. Sungit.

Sinipa sipa ko nalang si Troy kasi inistorbo nya yung pag coconcert ko. Itutuloy ko pa sana ang pag kanta ko pero dumating na si ma'am.

"Good morning, class! I'm in a hurry, may meeting kami. Please group yourselves into four."

"Tatlo na tayo, Yuna at Jax. Ano Jax, payag ka? Shempre payag ka na, di na pwede umayaw eh."

Abnormal 'tong si Troy, magtatanong tapos di na pala pwede umayaw???

"Sorry, Jax. Kung ayaw mo, okay lang naman na sa iba ka gomrup." aniko.

"Hoy Yuna, ano ka ba! Sayang yang si Jax mukhang matalino." pasigaw na bulong ni Troy sakin kaya siguradong rinig pa rin sya ni Jax.

"Hindi. Okay lang, mukhang may mga ka-grupo na rin naman yung iba." sagot ni Jax.

"Ayos! Isa nalang. Teka ayain ko si Jay, matalino din yun eh."

Kapal muks talaga.

"Hays! May ka-group na si Jay." naka ngusong sabi ni Troy sa amin ni Jax.

"Ako! Baka pwedeng maki grupo sa inyo? Wala pa akong ka-group!"

"Ayun! Tara, Clara." aniko.

"Teka lang, ako leader dito. Kaya ako mag dedesisyon kung sino isasali." saad ni Troy tapos bigla akong hinila at bumulong.

"Ayoko dyan kay Clara. Weird yan at papansin, lagi pang nag papacute sakin. Feeling ko nga may gusto rin sakin yan eh."

"Sus! Feeling mo lang yun, feelingero ka!" bulong ko sa kanya pabalik.

"Group leaders, please come forward."

Tumayo na si Troy, pero hindi pa sya pumupunta sa harap. Pabalik balik lang ang tingin nya sakin at kay Clara.

"Sige, samin ka na." masungit nitong sabi at pumunta na sa harapan. Arte putek parang bading.

After 5 minutes bumalik na sila.

"Basahin nyo yung binigay ko sa inyong lessons, reporting tayo pag balik ko."

Pag labas ni ma'am nag simula na rin kaming pag aralan yung irereport namin. Umupo sa bakanteng upuan sa likod ni Troy si Clara, tapos nag side view lang kaming apat para mag kakaharap kami.

Crystal Snow | BTS fanficWhere stories live. Discover now