KABANATA 2

56.6K 1.4K 1K
                                    

Izrael's POV
2 years later..


Two years after getting divorced, parang sinumpa ako ng ex-wife ko. Kahit minsan ay hindi na ako nagka interest sa babae. I don't know but it feels like I'm traumatized.


Womanphobia siguro ang tawag dito. LOL.


Napag iiwanan tuloy ako ng mga ka batch ko. Most of them are happily married at ang iba naman ay masaya ang relationship status.


[Bilisan mo namang gumalaw Izrael! Kaya hindi ka na ulit nagka girlfriend dahil sa bagal mo. You're always late! Nabakla ka na ata!] singhal sa akin ng napaka bait kong pinsan. Pasmado ata ang bibig nito.


Oo nga pala, it's one of my cousin's wedding day.


Kita n'yo na? Lahat na siguro sila ay ikinasal o ikakasal na. Samantalang ako ay diborsyado na nga, wala pang girlfriend.


What a life!


Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "I'll be there, Jury. Wag mo akong madaliin dahil hindi naman ako ang ikakasal kaya kumalma ka lang."


My cousin gasped and I can feel her frustration. Stress yarn?


[Tanga ka ba o tanga ka nga? Alangang hindi kita madaliin eh nasa iyo raw ang singsing?]


Matapos kong marinig ang sinabi n'ya ay may naalala ako. Aba'y muntik ko pang makalimutan. The groom asked me a favor pala. Ako raw ang kumuha ng singsing na pinagawa nila sa isang luxurious jewelry store.


Agoy!




Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko matapos kong makuha ang singsing. It has a simple design ring, pero sa pagkakarinig ko ay mamahalin ito.


I mean, it came from a luxurious jewelry shop that sell expensive jewelries. Siguro nga pwedeng isangla ang singsing na 'to.


Itakbo ko nalang kaya 'to?


Pwera biro. Hindi ko naman kayang mag nakaw, tas pinsan ko pa nanakawan ko? Mabait ako woy! Hindi nga lang maswerte sa pagibig, pero mabait ako.


Pinokus ko nalang ang atensyon sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa simbahan. Pagkarating ko sa simbahan ay sinalubong ako ng pinsan kong si Jury.


"What took you so long?" Hinablot niya sa kamay ko ang kahon ng singsing saka umalis sa harap ko.


Everyone is staring at me habang inosente kong inilibot ang aking mata sa paligid. Nakakailang ang titig nila. Para bang I committed a crime na lahat sila ay nakasaksi.


‘Wow ha? Hindi ko na nga tinuloy ang planong itakbo ang singsing ay ganyan pa kayo kung makatingin’ tahimik kong reklamo sa kaloob-looban ko.


Hindi ko nalang pinansin ang titig ng mga tao. Inisip ko nalang na baka napopogian lang sila sa'kin. Sino ba namang hindi? Alam ko namang pogi ako, masasanay rin yang mga yan.


"Izrael? What's up with you?” Biglang sumulpot si mama sa harap ko. Galing ata s'ya sa loob ng simbahan at ngayon ko lang s'ya nakita.


"Hi, ma." Lumapit ako sa kan'ya to kiss her on her forehead. Kahit pa ang sama ng tingin n'ya sa akin.


Her eyes were judging me kaya nag peace sign ako sa kan'ya.


"You made us wait for almost 2 hours. Yung bride ng pinsan mo parang gusto na tuloy mag back out," aniya.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon