KABANATA 7

32.4K 946 233
                                    

Izrael’s POV


“Parang mali ata ako sa sinabi kong magsasaya ka dito sa party?”


Nilingon ko si Ae. Nakaupo s'ya sa harap ko. Sa gitna namin ay mesa kung saan naroon ang mga inorder naming inumin.


“Ikaw, kumusta ang pag uusap n'yo?” tanong ko sa kan'ya.


Galing kasi s'ya sa labas. Nakipag usap sa ex-fiance n'ya. Kanina ay dumating ang lalaki para kausapin s'ya kaya lumabas sila dahil masyadong matao rito sa loob ng party. Nagsisimula na ring umingay ang paligid dahil sa tugtug at ingay ng mga taong nagsasaya.


“Gusto n'ya akong isama,” sagot ni Ae  pagkatapos ay nagkibit balikat siya sabay kuha ng isang bote ng beer at ininom ang laman nito.


“Saan naman?”


Ibinaba n'ya ang bote bago sumagot.


“Saan pa nga ba? E 'di iuuwi ako samin. Pero syempre ayoko! Hindi n'ya ako mapipilit. Walang makakapilit sa 'kin na umuwi. Kahit na ang lalaking 'yon!” Inagaw n'ya ang bote ng alak na hawak ko.


Saka ko lang napagtanto na ubos na iyong sa kan'ya. Napangiwi ako.


“Akin yan 'e,” reklamo ko pero hindi ko na s'ya napigilan nang diretsahan n'yang ininom ang laman nun.


May plano bang mag lasing ang babaeng 'to? Ano kayang napag-usapan nila ng fiance n'ya na pilit n'yang ginigiit na ex-fiance n'ya na raw.


“Okay ka lang ba? Halata kasing hindi,” usisa ko dahil halata naman sa ikinikilos n'ya na may gusto s'yang sabihin pero hindi n'ya kayang isatinig. Well, pareho kaming may problema nang dumating kami dito kaya hindi na dapat ang nagtatanong.


But she's a friend. I care for her. What bothers her, bothers me too.


Umiling si Ae. “Wala 'to. Okay lang ako. Ikaw ba?” Mabilis n'yang naibaling sa akin ang usapan. “Nag usap ba kayo ng maganda mong ex-wife?”


Napangiwi na naman ako. Simula nang nakita n'ya si Amethyst, magandang ex-wife na ang tawag niya rito. Well, I can't blame her. Totoo na man.


Umiling ako sa tanong ni Ae. Magsasalita pa sana ngunit inunahan n'ya ako.


“Sabi ko na nga ba! Kaya naman pala umiinom ka rito imbes na mag saya,” aniya.


Iniisip n'ya bang pinoproblema ko ang ex-wife ko kaya ako umiinom?


“Hoy, hindi ko pinoproblema-


“Ay siya siya, iinom tayong dalawa ngayon dahil pareho tayong nababagabag,” aniya pa, pinutol ang pagsasalita ko.


Nagpang abot ang makakapal kong kilay. Hmm.. inamin n'ya rin na may bumabagabag sa kanya. Lasing na ba 'tong kasama ko?


Napailing ako.


Para kaming pinagbiyak na bunga. Halos pareho kami ng problema nung dumating kami rito sa Siargao. Tapos ngayon ay sabay kaming magdadrama. Nakakatawa pero silent T.


“Hoy!” tawag ni Ae sa akin.


Nilingon ko s'ya. Nakapag order na kami ng panibagong bucket of beers.


“Ang unang malalasing ay may gusto sa ex niya,” hamon niya saka iniabot sa akin ang isang bote ng alak.


Gusto ko s'yang tawanan. Halatang dahan dahan na s'yang nalalasing. Hindi ko rin s'ya pipigilan. We're here to enjoy.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon