KABANATA 15

26.8K 659 201
                                    


IZRAEL


Ito ang unang pagsakay ko sa eroplano na kasama si Amethyst. At ito rin ang unang pagtulog n'ya sa balikat ko.


Kanina ay hindi ako nakagalaw nang maramdamang nahulog ang ulo n'ya sa balikat ko. I did my best not to wake her up kaya hindi na ako gumalaw-galaw pa.


“Maganda ba ang panaginip mo?” tanong ko kay Amethyst nang magising s'ya. Sakto ang gising n'ya nang mag announce ang piloto na nakarating na kami sa destinasyon.


“Medyo,” sagot ni Amethyst.


“D-Diretso ka ba sa inyo ngayon?” pagkausap ko sa kan'ya nang makalabas kami sa airport.


She nodded. “They're already waiting for me,”


“Hatid na kita,” wika ko. Bago pa man s'ya mag tanong ay inunahan ko na s'ya. “Pinahatid ko kay Jury ang sasakyan ko kanina, nasa parking lot na 'yon ngayon. Ayos lang bang ihatid kita?”


“Ayos lang ba sayong ihatid ako?” balik n'yang tanong sa 'kin.


I nodded. “I'll take that as a yes. Tara?”


Hindi naman s'ya tumutol.


»


“Ibig mong sabihin, binenta mo ang condo mo?” tanong ko kay Amethyst.


Nag k-kuwento kasi s'ya habang nag mamaneho ako. She talked about her condo, iyong condo na madalas kong puntahan dati.


Tumango s'ya. “Pinabenta ko kina mama noong nasa India ako, kasi wala naman nang nakatira 'ron. Actually, Marco gifted me a new condo matapos n'yang malaman na binenta ko 'yong akin. Ayaw n'ya ring ibenta ko ulit ang binigay n'ya kaso wala naman ako rito ng mga panahong 'yon kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Buti nalang nang dumating si Ate ay sumang-ayon s'yang tumira sila ron nila Yanni.”


“Marco?” bigkas ko sa pangalang nabanggit ni Amethyst.


“Kaibigan ko s'ya sa college,” sagot niya.


“Ibig sabihin matagal na kayong magkaibigan?”


Tumango s'ya. “Mag p-pitong taon na,”


Tumigil na agad ako sa pagtatanong. Hindi naman ako magseselos, kaibigan n'ya lang naman daw.


“Sa mga naging kaibigan ko noong college, Marco is the only one that didn't leave me. Dalawa lang silang naging kaibigan ko sa college, kaso hindi na kami ulit nag kita pa ni Marlia. I keep my circle small dati kasi ayokong na-a-attach sa ibang tao. But, dati 'yon, ngayon kasi natutunan ko nang makipag kaibigan at panatilihing kaibigan ang kaibigan,” nakangiting aniya.


Agad niya namang binawi ang ngiti. “Nasaan na kaya si Marlia ngayon? Hindi s'ya nagpaalam sa'kin nang umalis s'ya. Akala ko lalabas lang s'ya noong araw na 'yon,” saad niya sa malungkot na tono.


Sa nakikita ko ngayon kay Amethyst, ramdam kong maganda ang pinagsamahan nila ng babaeng 'yon.


“Hinihintay mo ba s'yang bumalik?”


Mabilis n'ya akong nilingon, may pagsisising dumaan sa mga mata n'ya. “S-Sorry.. nabanggit ko pa s'ya,”


Dahan dahan akong umiling. “Ayos lang. Pero hinihintay mo ba s'ya?”


Hindi naman ako apektado kahit ano pang gawin n'yang pag banggit tungkol sa kaibigan n'ya.


Tumango si Amethyst. “Gusto kong malaman kung nasa maayos na kalagayan ba s'ya. Nag-aalala ako,”


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon