KABANATA 10

28.5K 819 141
                                    


AMETHYST


Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Madalas kong nakikita si Izrael sa paligid kasama ang kaibigan n'yang si Ae.


Fiancé ito ng pinsan kong si Top. Nakatakda silang ikasal last month kaso nakahanap ng paraan ang babae para takasan ang pamilya. Sana ganun din ako kalakas dati para takasan ang pagkakatali kay Izrael at nang hindi ko na s'ya magulo pa.


Sa pamilya talaga namin ay napaka uso parin ng arrange marriage. Hindi lang kami ni Top ang biktima nito dahil may iba pa sa mga kamag-anak namin.


Ang dahilan ay ambabagal daw naming makahanap ng mapapangasawa. Kung kaya't sila na ang gumawa ng paraan para sa amin.


Funny how my parents arranged me to someone kahit na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan lang ako sa mundo. Pero hinayaan ko nalang din sila. Ang kaso lang ay hindi ko inaasahan na si Izrael Stavros pala ang ikakasal sa akin.


Kaya ginawa ko ang lahat para itulak s'ya papalayo.


“Ang lalim,”


Natigilan ako sa mga iniisip dahil sa paglapit ni Top sa 'kin. Tumayo s'ya sa tabi ko at nag cross arm.


“Kasing lalim ng dagat ang iniisip mo,” aniya pa.


Huminga akong malalim bago s'ya kinausap pabalik. “Iniisip ko lang ang naging problema sa restaurant ko. Masaya akong natapos ko na lahat ng dapat gawin. Napaka attentive rin ng crew para tumulong. Ang swerte ko at ng restaurant sa kanila.”


He looked at me. “Are you really happy?” Kinunotan ako nito ng noo n'ya saka taimtim akong tinitigan. “Hindi convincing 'e. Kahit ngumiti ka, you still look gloomy. Hindi nag sisinungaling ang mga mata natin, Amethyst.”


Sinubukan kong ngumiti at hinarap s'ya.


“Kahit na masaya ang ngiting ipinapakita ng tao ay kabaligtaran naman ang ipinapakita ng mga mata nito. Alam kong totoong masaya ka tungkol sa restaurant mo but, your eyes can't lie about what's really bothering you,”


Bumuntong hininga ako. Kahit ano tago ko sa nararamdaman ay wala ring kwenta kapag si Top ang kausap ko.


“Uuwi na ako. Mom called last night and informed me na naka uwi na raw sila.”


“Then, what's the bad news?” Top asked.


Kinagat ko ang pang ibabang labi. Pinipigilan ang sariling mag labas ng kahit anong emosyon.


“I'm.. I'm officially divorced,” sagot ko kay Top. “Tapos na nilang asikasuhin lahat sa Cuba kahit wala kami roon ni Izrael.”


Malungkot akong tinignan ng pinsan ko. He knows everything I had been through. Sa lahat ng pinsan ko, s'ya ang malapit sa akin at ang naging human diary ko.


“Pano na yan? Tuloyan nang naputol ang red string n'yo ng asawa mo,” aniya saka inakbayan ako. Sabay kaming naglakad lakad.


Refreshing at nakakawala ng stress dito sa Siargao. Everytime I looked at the scenery it always makes me wish na 'sana kasing ganda ng scenery ang buhay ko.'


“Ireto na ba kita sa mga kaibigan ko?” pagtatanong ni Top.


“Magtigil ka, Top. Wala akong plano. Tsaka may kaibigan ka ba?”


Ngumuso ito. “Nag tatanong lang 'e.”


Sa wakas ay nanahimik rin s'ya. Binibiro ko lang naman s'ya tungkol sa mga kaibigan n'ya. He have friends in Gensan pero matagal tagal na rin n'yang hindi nakakasama since busy na s'ya.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon