KABANATA 13

28.6K 788 88
                                    


AMETHYST


“How do you feel?” Izrael asked.


Ilang minuto rin akong umiyak and he didn't leave me. Wala s'yang mga tanong nang umiyak ako kanina. Niyakap at inalo n'ya lang ako.


Huminga akong malalim saka bumuntong hininga. “Ayos na,”


“Talaga ba? Teka, dito ka muna, kukuha akong tubig.” Tumakbo agad s'ya.


Nilakad ko ang distansya namin ng dalampasigan. Gusto kong lapitan ito. Umupo ako hindi kalayoan sa tubig dagat. Hindi ko alintana kung tuyo o basa ba ang buhangin. Gusto ko lang umupo at mag isip.


Sa wakas ay nasabi ko na rin ang kalahati sa rason kung bakit ko s'ya tinutulak noon palayo. Ano naman kaya ang susunod?


Habang nag iisip ay tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng pants ko.


“Hello? Yanni? Ikaw ba 'to?” pag sagot ko sa tumatawag. Pangalan ng ate ko ang naka register sa phone call pero alam kong si Yanni 'to.


Hindi naman ako basta bastang tatawagan ni ate kung hindi emergency. Si Yanni lang na makulit.


“Tita, miss you. Kelan ka po uuwi?” si Yanni nga. Rinig ko hanggang dito ang pag haba ng nguso n'ya.


Bahagya akong natawa. “You're pouting again, 'no? Ganyan mo ba ako ka miss? I miss you too and don't worry, uuwi na si tita bukas,” sagot ko sa kanya.


Rinig ko ang masayang sigaw ni Yanni saka tinawag ang mommy niya. Ibinigay n'ya siguro ang telepono rito dahil si ate na ang nag salita.


“Amethyst, nalaman ko kina tita Aurelia ang divorcement mo,” wika ni ate.


Inirapan ko s'ya kahit hindi n'ya kita. “Ate naman, hanggang kailan mo tatawagin si mama na tita? She's our mom. She's your mom now,”


“Oo na. Oo na. Pinapagalitan mo na naman ako 'e. I'll try my best, okay? Masasanay rin ako.”


Ngumiti ako. “Okay po. Sabihan mo si mom uuwi ako bukas. And stop asking about my divorce, na finalized na 'yon ngayon, kaya 'wag ka nang mangungulit pa tungkol sa asawa ko.”


She laughed. “You mean, ex-husband? Gusto ko lang naman makipagkaibigan kay Izrael, masama ba 'yon? Baka nga magkabalikan-


“Ate naman!”


Tinawanan n'ya lang ako. Hindi talaga s'ya napapagod na asarin ako na baka magkabalikan pa raw kami ni Izrael.


Hindi na namin pinahaba pa ang usapan. I ended the call pagkatapos kong magpaalam.


Bumalik ulit ako sa realidad kung nasaan ako. Napaka peaceful ng paligid dahil malayo ako sa mataong lugar.


I sighed a deep breath habang iniisip ang ate ko. Alam kong mahirap parin sa kanya ang mga nangyari pero may tiwala akong makakaya at makakasanayan n'ya ring tawaging mommy si mom.


“Here,”


Natigil ako sa pag iisip nang may nag abot ng bottled water sa harap ko.


Tinanggap ko 'yon at tiningala s'ya. “Izrael,” I uttered his name.


Muntik ko nang makalimutan na kasama ko nga pala s'ya at kumuha lang ng tubig.


“Akala ko umalis ka na 'e. Hindi kita nakita kung saan kita iniwan.” Umupo s'ya sa tabi ko.


“Kababalik mo pa lang ba?”


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon