KABANATA 21

24.6K 644 225
                                    


IZRAEL


Kinabukasan ay maaga akong nag ayos. Nagsuot lang ako ng casual na damit dahil 'yon ang gusto ni Amethyst. Naaalala ko parin 'yong isang gabing sinabi n'ya na bawas bawasan ko raw ang pagsusuot ng formal suit, masyado raw akong pogi.


Ano ba, ako lang 'to!


“Good morning, ganda!”


Si Amethyst ang nagbukas ng pinto nang makarating ako sa condo n'ya. Maaga ko s'yang tinext kanina para mag tanong kung hindi ba nag bago ang isip n'ya at hindi pa naman daw.


“Ang aga mo naman,” aniya. Maaga ba ang ala sais ng umaga?


Napangiti ako nang tingnan s'ya mula ulo hanggang paa. “Ang ganda mo.”


She chuckled. “I know,”


Naka suot lang s'ya ng simply casual dress na hindi masyadong maikli at hindi rin masyadong mahaba.


“Ang ganda ganda mo talaga, aasawahin na kita ulit.”


Tinawanan lang n'ya ang sa sinabi ko. Bumalik muna s'ya sa loob at tinawag ang ate n'ya. “Ate! Aalis na kami, kapag natagalan ako sa pag uwi, ipahanap mo 'ko agad sa mga pulis,” pasigaw n'yang sabi.


Narinig ko ang tawa ng ate n'ya. “Noted po!”


“Tara na.” Ngumiti si Amethyst.


“Ang blooming mo talaga ngayon,” compliment ko ulit sa kan'ya. Ang ganda ganda n'ya kasi talaga.


‘Araw-araw naman.’ wika ng sarili kong isip.


“Ikaw din, Izrael, napaka gwapo mo ngayon. Naka ayos ka, hindi halatang excited kang ilabas ako,” she said.


Well, excited naman talaga ako. This is our first date kaya talagang pinaghandaan ko ang araw na 'to.


“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ni Amethyst habang nag d-drive ako.


“Gusto mong mag beach?" tanong ko pabalik sa kan'ya.


“Maganda sana kung may dala akong damit. Bakit? Sa beach tayo pupunta?”


Umiling ako sa kan'ya. “Hindi, nagtatanong lang,” sagot ko.


“Psh! Akala ko naman sa beach talaga. Talagang maliligo ako kahit wala akong dalang damit. I mean, pwede namang mag two piece,”


Nasamid ako sa sariling laway dahil sa sinabi n'ya.


“A-Ayos ka lang?” dinalohan n'ya ako at naghanap s'ya ng tubig. “Walang tubig,”


“Ayos lang ako,” umuubo kong sagot. “Ano ba kasi yang iniisip mo? Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng rason para hindi ka dalhin sa dagat. Two piece two piece,” himutok ko tungkol sa sinabi n'ya kanina.


“E kasi naman, you asked about beach kaya 'yon ang sinabi ko,” depensa n'ya.


Mabilis akong umiling. “Wala. Walang maliligo sa beach,” nakanguso kong pagmamaktol.


Nagkibit-balikat balikat s'ya habang tumatawa. “Okay po,”


Natahimik ang kaluluwa ko at mabilis ko ring kinalimutan ang tungkol sa two piece na binanggit ni Amethyst kanina.


“Andito na tayo, ganda.” Itinigil ko ang sasakyan pagka rating namin sa airport.


“Huh? Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Amethyst nang pagbuksan ko s'ya ng pinto.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon