KABANATA 19

25.1K 688 227
                                    


IZRAEL


“Masaya akong nakasama ka namin sa dinner, son-in-law. I wish your parents are here too,” wika ni tita nang ihatid nila ako ni Amethyst sa labas.


“Next time, tita, isasama ko sila,” sagot ko na ikinatuwa naman niya.


Kanina ay dumating sila ni tito before dinner time and they invited me to join them bago ako umuwi.


“Mag-iingat ka,” bulong ni Amethyst pagkasakay ko sa sasakyan.


“I will, wife,” mahinahon kong sagot sa kan'ya. Nilingon n'ya naman agad ang ina na nakatingin lang sa amin.


Tita is smiling at us.


“Sige na, alis ka na,” pagtataboy ni Amethyst sa 'kin. Nahihiya na naman s'ya.


I smiled at her. “You too, take care. H'wag kang tatanggap ng manliligaw kapag wala ako 'ah? Bibisitahin talaga kita araw-araw.”


“Binabakuran mo ba ako?”


Tumango agad ako kaya napailing s'ya. “Kalokohan! Umalis ka na nga.” Tinalikuran n'ya ako at nilapitan si tita. Kumaway ako sa kanilang dalawa bago ako tuloyang umalis.


Napaka sarap sa pakiramdam na hindi nagbago ang pakikitungo nila tita at tito sa 'kin kahit na divorce na kami ni Amethyst. They still welcomed me with warm embrace and tita still calls me son-in-law.


Kung relasyon sa pamilya ang pag-uusapan, we have healthy relationship. Pero kung sa amin ni Amethyst, I can still feel na hindi pa buo ang nararamdaman n'ya sa 'kin. Hindi n'ya pa kayang sumugal.


Kaya nga liligawan ko s'ya. At kung kailan ko naman plinanong ligawan s'ya saka naman bumalik ang kaibigan n'ya. I mean, I don't care about it. Kahit pa lahat ng naging karelasyon ko noon ay magsipag balik, wala na akong pake sa kanila. But in Marlia's case, handa raw s'yang sirain kami para lang mabawi n'ya ako. Kaya nababahala ako.


Galit na galit s'ya kanina nang mag usap kami. Hindi kasi ako nagdalawang isip na sabihin sa kanyang kasal na kami ni Amethyst. She got mad at me after hearing that at galit rin daw s'ya kay Amethyst. But before she could do something wrong towards my wife- I mean ex-wife, binalaan ko na s'ya.


Umalis s'yang may luha ng galit sa mga mata n'ya. Totoo nga, ang laki ng ipinagbago n'ya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagka desperada n'ya pero alam kong may balak s'ya. Kaya nga mag hahanap na ako ng paraan bago paman may mangyaring hindi maganda.


Lalo na kay Amethyst. Baka si Amethyst pa ang saktan ng babaeng 'yon.


“Baliw na nga ata 'yang ex mo, Insan!” Umupo si Jury sa harap ko. Kinuwento ko na sa kanya ang nangyari sa bahay nila Amethyst.


“Kaya kailangan ko ng tulong mo, Jury. I want you to dig information about Marlia. Hanapin mo kung saan s'ya galing at anong nangyari sa kan'ya sa limang taong hindi s'ya nagparamdam. Hindi ko 'to ginawa dati dahil wala na akong pakealam sa kan'ya, pero kung si Amethyst na ang madadawit sa usapan, kailangan nating unahan si Marlia. Gaya ng sabi mo, para ngang nabaliw na s'ya.” Hindi ko napigilang pagsalitaan ng masama ang ex ko.


‘Totoo rin naman kasi,’ segunda ng isip ko.


“I will ask a friend of mine, magaling s'ya sa ganyang bagay. Pero kailan mo ba kailangan?”


“Kung pwede ay ngayon o bukas agad,” sagot ko.


Sumaludo si Jury bago kinuha ang cellphone niya at may tinawagan.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon