KABANATA 17

24.2K 772 531
                                    


IZRAEL


Nakatingin ako ngayon sa nakaluhod na si Marlia. Kanina lang ay maayos naman ang pag uusap namin pero bigla nalang s'yang nag bukas ng topic tungkol sa amin dati at nag salita s'ya ng kung ano anong kabalbalan.


“Tumayo ka, Marlia.”


Umiling lang s'ya. “Ayoko! Gusto ko munang marinig na pinapatawad mo na ako,”


“I told you, I already did and I even forget about what happened to us. Kaya h'wag mo nang ungkatin pa 'yon.”


She cried even more. “Kaya nga bakit ayaw mo kong tanggapin ulit? Please, Izrael, I want you back! Pinapatawad mo naman na ako 'di ba?”


‘Tangina!’ utak ko na mismo ang nag mura. Nakaka frustrate ang babaeng 'to. Hindi ko sana gustong magalit sa kan'ya pero naiinis na 'ko dahil sa tigas ng ulo n'ya.


“Marlia, babae ka. H'wag mong ibaba ang dignidad mo-


“Para sa'yo! Para sa'yo, wala na akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao. Gusto kitang bumalik, nagmamakaawa ako. Please, Izrael..”


Mariin kong naipikit ang mata ko, unti unti na akong napupuno. Nahilot ko nalang ang sintido dahil sa inis na nararamdaman. ‘Kalma ka lang, Izrael. Ayaw ni Amethyst na nagagalit ka,’ pagpapalala ko sa sarili ko.


“Tumayo ka. Humarap ka sa 'kin ng maayos at sabihin mo ang lahat na gusto mong sabihin,” utos ko sa kan'ya. Hindi ko kaya ang katigasan ng ulo n'ya, nauubusan ako ng pasensya.


Mabilis s'yang tumayo saka ako diretsong tiningnan.


Ibang iba na ang Marlia na kilala ko, sa Marlia na nasa harap ko ngayon. O baka ito naman talaga ang totoong Marlia, nagpanggap lang s'ya noon para maloko ako?


Malilito ka nalang talaga. Pero tulad nga ng sabi ko, kinalimutan ko na ang nangyaring pangloloko n'ya at pagnanakaw sa 'kin.


“Izrael, babe.” Hindi ko s'ya hinayaan nang sinubukan n'yang hawakan ang kamay ko. Panay pa ang pag tawag niya ng babe sa 'kin, nakakarindi.


“Stop! I forgave you. Sa laki ng kasalanan mo ay pinatawad parin kita, kinalimutan ko na rin ang mga ginawa mo.”


“Then, why?? Why are you pushing me away? We can just get back together and start again, right?”


Sarkastiko akong natawa. ”I forgave you but that doesn't mean I would accept you again, Marlia. Ayaw kitang insultuhin pero hindi na ikaw ang mahal ko, wag kang desperada. You're no longer part of my present so don't you dare come back like nothing happened, like you did nothing wrong. You're just part of that past I already buried. Kaya wag mo nang sagarin ang pasensya ko, please, leave.”


“Izrael,” sambit n'ya sa pangalan ko. Nakaawang ang labi nito at dahan dahan akong tinalikuran. Akala ko ay aalis na s'ya pero muli s'yang humarap sa akin. “Sisiguraduhin kong babalik ka sa 'kin, Izrael. Walang sinuman ang aangkin sa 'yo kung hindi ako. Akin ka!” Nagdadabog n'yang pinulot ang kan'yang bag bago umalis.


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makaalis si Marlia. Naiupo ko nalang ang sarili sa sofa at napahilot sa sintido.


“Kakaiba ang babaeng 'yon,” umiiling ani ni Jury. Pumasok s'ya at umupo sa sofang nasa harap ko.


“Kanina ka pa?”


She nodded. “Gulat nga ako nang makita ko s'ya sa labas ng bahay n'yo. Grabe shookt ako 'e,”


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon