Prologue
Pinagmasdan ko lang kung paano sya manghina at mapaupo sa sahig. Wala siguro akong kwenta para dito. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan syang umiyak at manghina dahil sa desisyon ko. Masakit din naman sakin ang ginawa ko pero kelangan kong maging matapang at panindigan ang desisyon ko. Dahil ito ang sa tingin ko na tama kahit ikasakit ko. Simula sa simula dapat ako yung magparaya na dapat unahin ko ang kasiyahan nya kesa sa kasiyahan ko.
Dinig na dinig ko ang boses at bawat salita ng kapatid ko. Ang bawat salita na tumatagos sa sakit. Ang gusto ko lang naman mag kaayos kami pero bakit ba ang tigas tigas ng puso nya? Muli akong napalingon sa lalaking nasa harap ko na nasasaktan. Sinabihan ko ang sarili ko na h'wag na h'wag maawa at dapat mag stick lang sa plano.
"Bakit?! Bakit kapag ako na yung lumalapit hindi pwede?" nakapikit nyang sinasabi ito na parang hirap na hirap bigkasin ang bawat salita dahil sa sakit. It might be a selfish decision that I'm just thinking of myself but I think this is right. Para saan kung papayag ako kung sa huli ako na naman ang masasaktan?
"May mali ba sakin? Ano pa bang kulang para magawan ko ng paraan. May dapat ba akong gawin para naman mahalin mo rin ako." Nakita ko ang pagpatak ng luha nya kaya umiwas ako ng tingin. Wala namang mali at kulang sakanya. Sadyang ako yung may mali kaya parehas kaming nasasaktan. It breaks my heart to see him cry because of me. "Bakit ba hindi pwedeng ako? Bakit sa iba pwede, sakin hindi?!"
Ayaw ko syang makitang malungkot at umiiyak pero ayaw ko 'rin na ako ang mag pupunas ng luha nya. Hindi ba pwedeng ako na lang yung masaktan hindi na sya. "Wala. Wala namang kulang sayo, its just..." hindi lang tayo pwede. Nakatingin sya sakin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Cause we will never be..."
Author's note: Hi! I hope you're doing good. I just want to say to all of you that thank you! Thank you for reading my story. Always check your friends if they are okay. Protect and take care of your body and your mental health. Lablab❤
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...