5

10 2 1
                                    

5


Humihikab akong naglalakad papuntang kusina para kumuha ng chichirya. Alas Nueve palang ng gabi ay antok na ako pero may assignment pa ako sa major na dapat matapos ngayon para bukas ay finalize ang aking gagawin. Kinuha ko ang isang pack na Doritos at nilagyan ng tubig ang aking tumbler. Nag timpla naman na ako ng kape kaya mamaya na lang ulit ako mag titimpla baka naman ang ending ay mag palpitate na naman ako ng malala. 



Nasa Samar ngayon si mommy dahil pinapunta siya ni papa roon. Si kuya naman ay nasa kwarto nya kaya naman tahimik na naman ang paligid, tahimik ang bahay. Nang mapuno ang tumbler ay napansin ko si kuya na nakabihis at mukhang paalis. Aba'y parang mag isa na naman ako ngayong gabi. 


"Samira mag lock ka ng bahay pupunta ako sa Grill and Bar nag kaayayaan ang tropa. Uwi din ako mamayang madaling araw kaya mag ingat ka dito i-double lock mo lahat."  ani nya habang nag sisintas ng sapatos. Awit! mag isa na naman nga ako. Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng multo na parang nakatingin sa may bintana. Pisti! tinatakot ko pa talaga ngayon ang sarili ko ay mag isa lang ako ngayon. 



"Okay. Ingat ka." sabi ko. 



"Ako na mag la-lock ng gate itong pinto ang i-lock mo double lock ha." Tumango ako sa kanya at sumunod para mag sara ng pinto. Nang makaalis si kuya at na lock ko na ang pinto ay umakyat na ako sa kwarto ko. 


Binuksan ko ang Doritos bago ako umupo at muling humarap sa laptop. Halos manakit na ang aking likod at mata dahil sa matagal kong pagkakababad sa harap ng laptop. Ang dami kasing pwedeng maging design sa sala na inaayos ko tapos modern design pa ang naka assign sa'kin kaya naman ay ginagandahan ko pa. Tumayo muna ako mula sa pagkakaupo at nag unat unat. Mukha namang matanda na ako sa sakit ng likod ko ilang taon palang naman ako. 



Napalingon ako sa kama ko kung saan nakalagay ang cellphone ko at nakabukas ito. Hindi ko ata napatay ang wifi sa cellphone ko may nag chat ata. Kinuha ko ang cellphone ko at napansin ang missed call ni Grey sa messenger. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko 10 missed calls?! Sunod sunod ang pag tawag nito sa messenger ko. Dahil naka silent at nasa kama ang cellphone ko ay hindi ko rinig na tumawag na pala ito. Tiningnan ko ang oras  ng una syang tumawag at halos isang oras na mahigit. 


Matandang Grey;

Labas ka muna nandito ako sa may tapat ng bahay nyo.

Uy. 

Tulog ka na ba?

Nandito na ako sa may tapat nyo.

Gigisingin kita.

Galit ka pa rin ba sa 'kin?



Iyan ang mga chat nya bago sya mag missed call. Jusko nasa baba pa rin ba sya ay lampas isang oras na nung tumawag sya at mag a-alas dose na ng hating gabi! Sumilip ako sa bintana para macheck kung naandon pa ba sya. Mabuti na lamang ay may ilaw ang poste kaya naman nakita ko kaagad sya. Bumaba kaagad ako ng kwarto para mapuntahan sya. Alam ko naman na umaga na uuwi si kuya at hindi non malalaman na pumunta dito si Grey. Magagalit pa man din yon kapag may kasama akong lalaki at kaming dalawa lang sa loob ng bahay. Binilisan ko ang pagbukas ng pinto at lock ng gate. 

Never be (PLAYLIST SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon