Sorry for the late and short update ang otornim ay busy sa iskul. Enjoy reading! - kitlinjas
"Good morning, Samira." gulat akong napalingon sa katabi ko dahil bigla bigla na lang nagsasalita. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango, ano ba Samira kumalma ka nga. Umakto ka ng ayos para ka namang sira akala mo naman ay stranger ang isang ito. Pero hindi ba stranger nga kasi ilang taon kaming walang communication? Teka stranger pa rin ba ang tawag sa ganito or stranger with memories lang?
Nakababa na ako ng hagdan at balak kong pumunta sa canteen para bumili ng tinapay dahil iinom ako ng gamot. Bakit nga ba hindi na lang ako nagdala ng tinapay ko tutal ay nag grocery naman si kuya kahapon. "Papunta ka ba ng canteen? Sabay na tayo." sa sinabi nyang iyon ay parang gusto ko yatang lumihis ng daan para masabi na hindi ako sa canteen pupunta pero hindi kasi kailangan ko kumain. Isang diretso nito ay canteen na kaya naman ay napatango na lamang ako sa kanya.
Kinapa ko ang bulsa ko at sa pagkakataong ito ay hindi ko dala ang cellphone ko naiwanan ko sa bag ko. Tanging wallet at ballpen lang ang laman ng bulsa ko kaya paano ako ngayon makakaiwas sa tingin ng isang ito. Friday the 13th ba ngayon at bakit parang minamalas ako. "Ano ba bibilhin mo? Biscuit or kakain ka na ng kanin?" tanong nya.
"Biscuit." maikli kong tugon. Tumango ito at sinamahan ako sa isang stall para bumili ng tinapay. "8 pesos, neng." inabot ko sa tindera ang bayad kong bente pero ang sabi ay wala daw silang panukli. Piso lang ang barya ko sa wallet at isang daan na ang kasunod kesa naman iabot ko ang isang daan ay mas lalong walang panukli. Sasabihin ko na sana na pati tubig ay bibili ako kahit may tubig na ako sa bag para lang may maisukli pero nag abot na ang isang ito ng saktong pera.
"Ito na lang po bayad sa hansel." kinuha ito ng tindera at binalik ang bente pesos ko.
"Mag papareserve lang ako ng pagkain ko for lunch para kukunin ko na lang mamaya. Dito ka ba muna or babalik ka na sa classroom mo?" tanong nya sa'kin. Hindi ko sinagot ang tanong nya at inabot sa kanya ang bente. "Bayad ko." wika ko sa kanya natawa lang sya sa sinabi ko at umiling.
"Babalik ka na ba sa classroom mo? Kasi kung oo ay ihahatid na muna kita sa classroom mo bago ako mag pareserve." ay wow! Special treatment? Akala ko galit ito sa'kin? pero bakit naman mukhang hindi.
Kaysa magpabalik balik sya ay sinamahan ko na sya sa isang stall para magpareserve ng kanyang lunch. "Ikaw ba?" tanong nya sa'kin. "Hindi na. May dala ako pang lunch ko kasabay ko mamaya sina Genisse." tumango lang sya at binalik ang tingin sa notebook kung saan inililista ang order at pangalan. Isang cordon bleu at isa't kalahating kanin ang inorder nya. Nag abot na sya ng bayad para daw mabilis mamaya at hindi maubusan ng pwesto sa loob ng canteen.
Sabay ulit kaming dalawa sa dulo ang kanilang classroom since crim sila at madadaan ang engineering building. Doon kasi ang room namin ngayon kaya madadaanan talaga nya ang building ng engineering. "Kumusta ka naman Samira, its all most a year?" ani nya.
No, its been 1 year and 2 months Rios, not almost a year. Napaghahalatan ka masyadong walang paki at ako lang ang nakakaalala. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman at iniisip kung dapat ko pa talaga itong maramdaman. Basta ang alam ko mali ito.
"Ayos lang naman ako. Ikaw ba?" nakangiti lang sya sa'kin. "Maayos. Maayos ako na ako, Samira." wika nya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Ano ba ang ibig nyang sa sinabi nya, anong maayos na sya? May pinapahiwatig ba sya o ano at kung meron man bakit parang iba ang dating sa'kin ng sinabi nya. Tahimik ang atmosphere hanggang sa makarating na kami sa building namin akala ko ay di-diretso na sya pero hindi kaya naman ay tumango na ako sa kanya at nauna para umakyat ng hagdan.
Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa pagkapit nya sa braso ko. Hindi ko alam kung mabuti ba na wala ng tao dito sa hallway dahil mag sisimula na ang kasunod na klase o dapat ay kabahan ako dahil baka ako mapalabas dahil sa late akong papasok.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Humarap sya sa'kin subalit hindi ito nag sasalita. Marahan kong iniwas ang aking braso para sana mahalata nyang bitiwan na ito pero hindi mas lalo nya lang itong hinawakan na para bang hindi ako makakaalis. "Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" tanong nya. Tuluyan na akong walang imik sa sinabi nya. Ano naman pati ang sasabihin ko?
"Hindi pa rin ba tayo okay? May dapat pa ba akong gawin para kausapin mo na ako?" malungkot ang kanyang mata na nakatingin sa'kin. Sinubukan kong mag salita pero walang boses na lumalabas, uhm I think I need help. Miiracle help na bigla sanang dadaan or may tatawag ganon para makatakas ako sa sitwasyon ngayon. Hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan at paano ako mag sasabi? Ay ewan ko ba.
Lord, help me po. Hindi pa po ako ready sa ganitong topic masyadong heavy po mayroon pa akong quiz this day baka po wala akong maisagot. Pero teka, bakit parang ang lumalabas sa kanyang bibig ay ako ang may kasalanan kaya hindi ko sya kinakausap. Huh? hindi ba sya itong galit sa'kin kaya hindi nya ako kinausap kaya hindi ko na rin sya kinausap. Ang gulo na naman nitong lalaking ito.
"Huy Samira! Pumasok ka na nandon na ang prof!" sigaw ni Aira mula sa taas. Lihim akong napapalakpak sa aking isipan dahil sa biglang pag tawag ni Aira. Ang lakas ko talaga sa'yo Lord. Thank you po!
"May klase na ako." binitiwan nya ang aking braso at tumango. Pansin ko na marami syang gustong sabihin pero pinipigilan nya lang ang sarili nya. Gusto kong malaman pero may klase ako. Medjo terror pa ang prof namin sa subject na ito. Bakas sa mukha ko ang gulat sa mga sinabi nya dahil hindi ko maimagine na sasabihin nya ito, sasabihin nya ang mga katagang ito.
"Patawarin mo na ako. Miss na kita. "
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...