Belated happy birthday to my friend, Abby! and happy mother's day sa mga mama nyo. Lovelots! - kitlinjas :>
2
Tiningnan ko ang registration form na naprint ko kung saan makikita ang mga subject ko for this semester. May ethics akong subject? kumunot ang noo ko sa nakita kong isang subject, furniture design. Napapakamot ako sa tungki ng ilong ko dahil sa mga subjects nakikita ko. Mahal mo ang course nan ito, Samira. Mahal ko ang course na ito.
"Umuwi ka rin sa wakas!" at saka nya ginulo ang buhok ko. Naman! kakasuklay ko lang ginulo na naman. Tiningnan ko sya ng masama pero ngiti lang ang sinukli nya bakit ba pag nangiti ang isang ito nawawala ang mata. "Lumayo layo ka nga sa'kin, Grey!" hindi ito lumayo kundi umupo sa katabing upuan at kinuha nito ang registration form ko.
"Nays. May ethics din ako, classmate!" tuwang sabi nya. Umiling ako at napapikit saka mahinang humiling na sana hindi ko kaklase ang isang ito please lang. Kapag naging kaklase ko na naman ang isang ito malamang sa alamang kukulitin na naman ako nito ng walang sawa.
Kakaunti palang ang mga tao dito sa university para sa magbayad ng tuition dahil first week palang ay madami na agad ang pumunta at ngayon palang kami mag e-enroll. Kinuha ko ang cellphone ko para macheck kung nasaan na ba ang mga kaibigang ostrich at sila ay mga otw palang. Inaliw ko muna ang sarili ko sa pagce-cellphone.
"Ang hilig mo talagang i-download yung mga games na makikita mo sa ads ng wattpad ano? " ika nya at kinuha nya ang phone nya saka inabot sa'kin. Aanhin ko yon? mukhang nagets nya ang naiisip ko. "Palit tayo. Gusto ko yung games mo." saka nya kinuha ang cellphone ko. Magaling. Hindi pa ako pumapayag na magpalit kami cellphone pero kinuha na agad nya ito. Bakit ba may ganito akong kaibigan?
Binuksan ko ang cellphone nya at wala itong screen password. Bumungad sa'kin ang kanyang wallpaper na anino ng isang babae at lalaki sa dalampasigan. Pinakatitigan ko ito at tumingin sa kanya pero hindi nya ako pansin dahil seryoso ito sa pag lalaro. Muli kong binalik ang tingin ko sa phone nya at sandaling inisip kung sino ito. Bakit naman hindi nya sinasabi ang tungkol sa ganito para namang others.
"Bwiset. Tinulak ako game over tuloy. " ika nya saka tumingin sa'kin na nagtatanong ng bakit. Pinakita ko sa kanya ang screen ng phone nya. "Sino ito?" umiling ito at muling tumutok sa cellphone ko. Binuksan ko ang photos nya. "tingin ako ng photos mo." ini-scroll ko ang laman ng photos nya. Puro mukha nya o hindi kaya ay mukha ng kaibigan namin may ilan rin picture ng gitara o kaya naman ng dagat.
Nasaan ba yung picture na nasa screen nya.
Scroll
Scroll
Bingo!
Dalawang kuha ng litraro lang ito at pinakatitigan ko kung sino ba nag swak sa aninong nasa picture. Hindi naman si Genisse ito hindi rin si Ally sino kaya. "Sino kase yung nasa wallpaper mo?" curious na tanong ko sa kanya.
"Bakit? selos ka?" Napamungot ang mukha ko sa sinabi nya. Ang kapal naman ng mukha nya para sabihin na nag seselos ako. Hello?!
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...