7
"Ewan ko sa 'yo, Samira." wika nya ng makababa kami ng tricycle. Nahimigan ko ang inis nya sa sinabi nya. Aba'y anong ginawa ko sa kanya? Dahil pa rin ba doon sa pagsakay ko sa back ride? Kakaiba naman ang isang ito napakasimple lang naman ng dahilan ay pinapalaking pinapalaki pa.
Hindi nya ako pinansin at dumiretso lang sya sa kubo. Nagkabiglaan ang aya ng tropa na tumambay sa may dalampasigan dito sa kubo ang kitaan at kaming dalawa palang ang naandito. "Gusto mo ba?" pag aalok ko sa kanya saka inilapit ang plastic cup kung saan nakalagay ang kwek kwek na binili ko kanina.
Hindi sya umimik at tumalikod lamang sa akin saka nya inilibas ang kanyang cellphone. Kinain ko ang isang pirasong kwek kwek at pinagmamasdan syang seryosong nagpinipindot ang kanyang touch screen na cellphone. "Huy..." pag tawag ko sakanya ngunit hindi nya pa rin ako pinansin at parang wala syang naririnig. Naku po, inis na naman sya sa 'kin.
May sasabihin sana ako sa kanya nang marinig ko ang tawanan nina Genisse at senyales na papunta na sila sa kubo kung saan nandito kaming dalawa. Sana ay hindi mag ayang mag langoy dahil naka uniform pa ako at mayayari ako kay mommy kapag umuwi ako ng basa. "Kanina pa kayong dalawa dito?" tanong ni Ally.
Umiling ako kay Ally at muling lumingon sa lalaking tinotoyo pero hindi nito pinansin ang mga kaibigan namin at seryosong nagce-cellphone. Napansin ni Ally na parang may kung anong namamagitan sa aming dalawa at hindi nya ako pinapansin kaya naman nagkibit balikat na lamang ako sa kanya. Sana naman ay hindi nilang mahalata at papaulanan kami nito ng mga tanong kung ano ba ang nangyari at nag kakaganito ang isang ito.
"Aba'y nasaan yung pagkain natin?!" tanong ni Jerome. Nag katinginan at kanya kanyang turuan silang lahat mukhang naiwan ata nila. "Hoy! Ally akala ko ba ikaw mag dadala nung basket?" Gulat ang rumihestro sa mukha ni Ally dahil nalimutan nyang sya ang mag dadala ng pagkain. Napakamot naman sa ulo sina Jerome at umiling.
Inabot ni Jerome ang susi ng motor sa lalaking ito, "Kayo na lang ni Samira ang kumuha ng pagkain at napapagod na kami." wika nya. Hindi naman sya umimik at tahimik na tumayo mula sa pagkakaupo at papunta na kung saan nakaparada ang motor ni Gino.
"Na kina Genisse ang pagkain!" sigaw ni Ally.
Isinabit ko sa taas ang aking bag at sumunod sa kanya. Nang makalapit na ako sakanya ay hindi pa rin nya ako iniimikan napansin kong isa lang ang helmet na nasa motor at tahimik nya itong inabot sa 'kin bago sumakay ng motor. Sumakay ako sa likuran ng at humawak sa likuran ng motor. "Kumapit ka." paalala nya.
"Nakakapit na ako."
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...