4
Pumunta ako sa kusina para kumain 8:20 na rin na naman kaya kailangan kong bilisan ang pagkain ko. Mabuti na lamang at nagluto si kuya bago umalis at pumunta sa kanyang trabaho. Maagap rin umalis si mommy since she's a high school teacher. Nagsandok na ako ng kaunting kanin at kinuha na ang ulam na nasa lamesa. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may narinig na akong nag doorbell kaya naman ay mabilis ako pumunta sa cr at nag toothbrush saka kinuha ang bag na nasa sofa.
Chineck ko ang mga ilang appliances baka may nakalimutan akong may nakasaksak ay baka mag cause pa ng sunog. Minsan hindi ko lang din magets kung itong paulit ulit kong pag check sa mga saksakan ay to make sure or its my anxiety. After kong macheck ay ni-lock ko ang pintuan at gate, nakita ko si Grey na nakasilong sa may tabi at hinihintay ako. Nakatungo ito at marahan nyang sinisipa ang mga bato wala talagang magawa ang isang ito sa buhay.
"Grey." tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa'kin at ngumiti, minsan na kaming shinip ng mga kaibigan namin at sinasabi na bagay daw kami. Gwapo naman si Grey pero tropa, ekis. Marami naman nagkakagusto sa taong ito pero ewan ba namin kung bakit wala pa rin itong girlfriend ni ipakilala kung sino ang gusto nya ay waley. Kaya naman hinayaan lang namin at baka naman hindi pa sila handa ng girlfriend nya kung meron man.
"Ambagal mo talagang kumilos tara na." aya nya at sya pa ang unang naglakad paalis. Aba! Ay wala naman kase akong sinabi na sunduin nya ako. Pero himala at umagap sya ngayon madalas kasi late ang isang ito. Hinabol ko ito dahil mahaba ang bias ay ang layo na nya kaagad. "Hindi ba mamaya pa klase mo bakit ang agap mo ngayon. Anong nakain mo? Naninibago na talaga ako this past few days sa'yo. May sakit ka ba? May taning na ba--"
"Tarantada ka, Samira. Pinapatay mo kaagad ako. Hindi ba pwedeng trip lang? Kase gusto magbagong buhay? Alam mo ang judger mo na." wika nito at inirapan ako. Napaka moody naman daig pa ang babae nireregla ba ang isang ito at mainit ang kanyang ulo sumunod naman ako sa kanya. Tahimik kaming nakarating sa gate ng school at medjo nag karoon ng pila dahil sa pag tap ng id bago pumasok at pinauna ako ni Grey sa pila. "Anong oras ang labas mo mamaya?" tanong nya. Lumingon ako sa kanya at dahil mas matangkad sya kaysa sa'kin ay nakaangat ang ulo ko para tumingin sa mata nya.
"Maagap." wika ko at humarap sa unahan dahil umalwan na ang pila. Kapit ko na ang id ko para hindi na ako mataranta kapag naandon na at mag cause pa ng pila. "Hindi ko tinatanong kung late ba o maagap. Ang tanong ko anong oras kaya bigyan mo ako ng sagot ng oras." masungit sa sabi nya talagang badtrip ang isang ito at hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil ba sa sinundo nya ako at kinailangan nyang umagap pero sya naman ang may gusto no'n at hindi ako. Nakamot ko tungki ng ilong ko sa inis na nararamdaman ko hindi ko kasi maintindihan. Napapaisip tuloy ako kung bakit ba.
"bakit ba ang sungit sungit mo ngayong araw." inis na tanong ko. Humarap muna ako sa kanya bago umakyat sa hagdaan at pumunta sa classroom. Hinihintay ko ang sagot nya pero wala itong inimik at parang naiinis pa sya. Bahala sya dyan.
Dahil hindi rin naman sya naimik ay tinalukuran ko na sya at nagsimula nang humakbang paakyat. Pwede naman kasing sabihin kung ano ba ang ikinagagalit nya hindi yung ganito. "Hi. Samira!" Napalingon ako kung saan may tumawag sa'kin at nakita ko si Desiree. Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na sa loob ng classroom namin. Nawala na kasi ako sa mood kaya hindi ko na pinansin si Desiree mas nakakahiya naman kapag kinakausap nya ako ay hindi naman ako nakikinig kasi malayo ang iniisip ko.
Buong maghapon ay wala ako sa sarili ko. Nawala na ako sa mood at kaninang lunch ay bumili na lamang ako sa canteen at sa classroom na lang kumain. At isang oras bago ang dismissal ay nag chat sa'kin si Grey sinasabi na hindi nya ako ihahatid. Hindi ko naman sya inoobligahan na ihatid ako o hindi kaya ay sunduin sa bahay. Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng campus wala akong kasama lalo na't magkakaiba ang schedule ng klase namin. Malapit na ako sa gate kung saan naalala ko na dapat akong magpaxerox.
Walang pila sa kaya naman binilisan ko ang lakad at mapaxerox na ang mga dapat ipaxerox. "Ate tig da-dalawang copy po nito." saka ko inabot ko ang mga papel na ipapa-xerox.
"Ate pinapakuha na po ni Porf. Romantico yung pina-xerox nya." kilala ko ang boses nito. Napatuwid ako ng tayo at halos hindi humihinga na para bang pag huminga ako ay maririnig nya at iyon ang iniiwasan ko. Ang tagal na non Samira pero bakit apektado ka pa rin?
"Eto miss bale sampung piso lahat." kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko at mabilis na inabot ang bayad. Mabilis na tumalikod ang nag xe-xerox at kinuha ang mga papel ako naman ay mabilis na umalis sa lugar na ito.
"Samira sandali." hinila nya ang bag ko para huminto ako. Letche naabutan pa ako bakit kasi ang haba ng biyas din ng isang ito. Hindi ako lumingon at hinayaan syang magsalita lang akala ko kasi tahimik na nag buhay ko hindi pa rin pala. Sinusubukan ko namang lumayo sa gulo pero bakit parang yung gulo na ang lumalapit sa'kin?
Pumunta sya sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya. Wala pa rin pinagbago sa kanya. Kung ngumiti ay katulad pa rin ng dati. Ang dating gusto ko na kalimutan. Bakit ba kasi ganyan ka?!
"tapos na klase mo?" tumango ako sa kanya.
"Edi uuwi ka na?" Muli akong tumango sa kanya at nagsimula ng humakbang para makauwi. Kailangan ko ng makaalis sa harap nya. "Mag iingat ka pauwi! Chat ka kapag nakauwi ka na ha." I feel shiver when he said that. Damn! Tumango lang ako sa kanya at umalis na sa harap nya. Ayoko talagang nakakasalubong ko sya, ayokong nakikita ko sya dahil pakiramdam ko malaking gulo ang kakahantungan ng lahat. Mali kasi lahat ng ito pero...
Ang pagkabungot ko maghapon ay napalitan ng kaba at pag aalala. Hindi ganon kalaki ang University at talagang may posibilidad na magkita at magkaharap kami at iyon ang kinakatakot ko. Dama ko ang kaba at takot sa kung ano ang posibilidad na mangyayari sa sunod na pagkikita namin. Langya naman paano ko sya matatakbuhan? I mean matataguan?
Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Grey at naalala ko na hindi nga pala kami good terms today dahil sa pagiging moody nya. Gusto ko sanang ikwento sa kanya na nagkita ulit kami pero paano iyan ay hindi kami okay ni Grey.
Damn. Rios what you've done to me!? Hindi pa rin nag babago. Takot at pangungulila pa rin ang nararamdaman ko kapag nakikita kita.
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...