1
"Nak, pack your things uuwi na tayo maya maya." bilin sakin ni mader bago sya lumabas ng cabin. Naandito kami ngayon sa Subic at pauwi na rin naman. Isang linggo kami dito nag bakasyon at hindi pa nag sisimula ang klase ko as a third year college. Maganda dito sa Subic at talaga namang na na-enjoy ko.
Sa loob ng isang linggo ay sandali akong nakapag relax kinalimutan ang mga problema. Mula sa school works sa lahat ng nangyari sa second year kaya naman nakahinga ako ng maluwag at kahit papaano ay gumaan gaan ang pakiramdam ko.
Kinuha ko ang maliit na maleta na dala ko at saka binuksan ang cabinet para mag tiklop ng mga damit at maiayos ng pagkakasalan-san. Napansin ko ang pag ilaw ng cellphone ko kaya naman kinuha ko ito at nakita ko na-active ang gc ng mga ostrich.
*Zoo group*
Langit: Ang harot harot nina Zaria. Hoy babae! Respeto sa mga walang jowa.
Mais-cy: Tatago tago pa kanina akala mo naman hindi namin nakita.
Cheesecake: Ulol ka, Zaria hahaha
Dianenana: Harot ka, Zaria! HAHAHAHA
Natawa ako sa pang aasar nila kay Zaria kawawa na naman si Zaria at sya na naman ang napagdiskitahan ng mga ito. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag tiklop ng damit ay naalala ko ang DLSR kong camera kaya kinuha ko muna ito. Chineck ko ang mga picture na kinuhanan ko mula dito sa lugar na ito.
Siguradong matutuwa sya nito paborito pa man din nyang lugar ang dagat.
*1 new message*
+63948752****
Sami, kumusta ka na?
Hindi nakaregister ang number na ito sa cellphone ko pero iba ang kutob ko rito. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba? Tama ba ang hinala ko kung sino ang nag text, o baka naman masyado lang akong praning. I just off my phone at binalik na sa lagayan ang DLSR saka tinapos ang pagtiklop ng mga damit. Maraming imahe ang pumasok sa isip ko kaya naman napapahinto ako sa ginagawa. Kakaunti lang naman ang damit pero hindi ko matapos agad dahil sa iniisip ko.
"Bakit ba naiinis ka sa buhok mo? Bagay naman sa'yo." sabi nya saka inabot ang kulay dilaw na bulaklak. Tiningnan ko lang ang bulaklak na hawak nya kaya naman inilagay nya ito sa tenga ko saka inayos ang medjo kulot kong buhok. Sinamaan ko sya ng tingin para matago ang nararamdaman kong hiya. "Hindi ko alam kung bakit lagi kang inis sa'kin. May galit ka ba sa'kin?" tanong nya. Hindi ako sumagot at hinayaan sya saka ako tumalikod sa kanya.
Ayaw kitang kausap.
"Tingnan mo ka kinakausap aba'y tumalikod." hindi ko sya pinansin at bumalik na lang sa bahay. Nakasalubong ko ang kanyang kaibigan at hinahanap sa'kin kung nasaan ang kanyang kaibigan. Bakit kaya hindi nya hanapin itatanong pa sa'kin, bwisit.
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...