9

5 1 0
                                    


9


Happy Valentine's Day to all of you! Stay in love! - kitlinjas.


Grey's point of view;

Marahan kong pinunasan ang pisnge ni Samira. Tulog na nga ang babaeng ito patuloy pa rin sa pag iyak hindi ko rin naman alam kung bakit lagi niyang sinasarili ang problema nya, hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang sabihin sa'kin kung ano man ang bumabagabag sa isipan nya handa naman akong makinig sa lahat ng sasabihin nya.


Handa akong makinig sa bawat sigaw nya, handa naman akong mag punas ng luha niya kung maiyak man siya sa pagkwe-kwento. Pero bakit kaya hindi s'ya handa na ikwento sa'kin? Wala ba siyang tiwala sa'kin? Hindi ko naman ipagkakalat kung ano man ang ikwento nya at ikakasiya ko pa na nag kwento s'ya dahil ibig sabihin lamang na bahagi ako ng buhay nya. 


Muli kong tiningnan ang mukha ni Samira, nakatulog na s'ya sa kanilang sofa sa sala at para itong bata kung matulog dahil sa pagkakabaluktot nitong posisyon sa pagtulog. Dahan dahan kong inalis ang ilang hibla ng kanyang buhok na nataklob sa kanyang mukha. Nang maalis ko ay marahan kong hinawakan ang kanyang pisnge. "Maganda ka, Samira." nakangiting wika ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya makita ang nakikita ko sa sarili nya? Maganda si Samira sa aking paningin, natutuwa ako sa bawat pagkunot ng kanyang noo at pag sama ng kanyang tingin kapag s'ya ay naiinis na sa pang aasar ko. 


Kaya palagi ko siyang inaasar doon n'ya lang ako nakikita, doon n'ya nalalaman na nag e-exist ako sa buhay nya at sa pang aasar ko sa kanya nababaling sa'kin ang atensyon nya. 


"Hi! Gusto mo?" tanong ko sa batang nakaupo sa ilalim ng puno. Napansin ko kaagad ang kahabaan ng kanyang buhok tapos parang hindi pa nagsusuklay. Ang liit naman ng batang ito pero ang buhok ay ang haba. Aswang ba 'to? 


Tiningnan n'ya lang ako saglit at bumalik sa pagkatulala sa kawalan. Tss, ako na nga nagmamagandang loob na bigyan siya ng baon ko aayaw pa s'ya? Ano s'ya gold? kung ayaw niya edi wag! 


"Bata masarap 'to ginawa na 'to ng nanay ko. Birger tapos may halong gulay yung birger baka hindi ka nakain ng gulay." muli kong inabot sa kanya ang birger na gawa ni nanay pero hindi pa rin nya ako pinansin!


"Kakainin mo ito o ibibigay ko sa mga bibe?!" 


"Sino ka ba?" mahina n'yang sabi. Wow! Nagsasalita pala siya  akala ko kasi hindi saka akala ko bingi rin at hindi man lang ako kinikibo. "Ako si Grey Ivan Diaz. Ikaw sino ka ba?" 


Tinanggap niya ang birger na inaabot ko kanina pa. Tingnan mo ang babaeng ito kukunin din pala pinatagal pa. "Ako si Samira, Samira Miracle Evangelista." umupo ako sa katabi nya at binuksan na n'ya ang plastic ng birger. Parang natatakam ako dapat pala hindi ko na lang binigay nagutom ako bigla. 


"Bakit ang weird ng first name mo? bakit Samira?"


"Kasi sa Samar daw ako ginawa sabi ni lola." ano daw? Anong kinalaman ng Samar sa kanya? Ano yun sa Samar s'ya hinulma gamit ang putik? Ang weird. "Bakit ka nga pala malungkot?" tanong ko sa kanya habang sa birger nakatingin. Ngumuya muna siya bago magsalita. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never be (PLAYLIST SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon