3
"Susunduin kita bukas para sabay na tayo sa pag pasok." napahinto ako sa paghakbang ko palapit sa gate namin. Umiling ako sa kanya bilang hindi pag sang ayon sa sinabi nya. It's been 5 months since nag simula ang klase at naging kaklase ko nga si Grey sa ethics class. Ethics ang last subject at malapit lang naman ang bahay namin sa University na pinapasukan namin kaya naman ay hinatid na ako ni Grey.
"Hindi naman na kailangan, Grey. Saka mas maagap ang klase ko bukas kaysa sa'yo." Alam kong nagmamagandang loob lang naman si Grey pero hindi naman na kailangan. Nakakahiya isa pa baka may gagawin sya ay makaabala pa ako.
"Tigilan mo ako, Samira hindi bagay." saka nya ngumiwi na parang nandidiri. Letchugas talaga ang lalaking ito he gets what he wants talaga.
"Basta mga 8:45 ng umaga ay pupunta na ako dito sa inyo at sabay na tayo. Pumasok ka na sa loob gabi na baka mahamugan ka pa ay magkasipon pa." Tumango na lamang ako dahil wala na kong magagawa kaysa naman mag talo pa kami sa harap ng bahay namin ay hinayaan ko na lang sya sa kung anong gusto nya. Bahala sya dyan.
"Ingat ka pag uwi." sabi ko saka ko binuksan ang gate ng bahay.
Pumasok ako ng bahay at nakitang bukas ang TV sa sala. Paniguradong ang kuya ang nanonood tapos nag ce-cellphone lang. "Nakauwi na ako." wika ko. Hindi na nag atubiling tingnan ako ni kuya dahil busy sya sa pag lalaro ng Mobile Legend. Pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso ng higa sa kama. Hindi ko alam pero napapadalas na ang palagian kong pagod na nararamdaman. Na kahit konti lang ang gagawin ko ay pagod na kaagad ako. Hindi naman iyon dahil sa asthma ko. Ibang pagod ang nararamdaman ko at hindi ko ito maipaliwanag na pa.
I'm so tired.
"Nak? Samira, anak kain na tayo sa baba." wika ni mommy at saka kumatok sa kwarto ko. "Opo, mommy susunod na ako." sagot ko, narinig ko ang papalayong yabag ni mommy kaya naman ay bumangon na ako sa pagkakahiga at nagpalit na ng pang bahay na damit. Matapos ko mag palit ay kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang mga message. Nakita ko ang chat ni Grey na 30 minutes ago at ang laman ng mensahe ay nakauwi na sya. Ganon ako katagal na tumulala na naman sa kisame ng kwarto ko? napailing na lang ako.
Dumiretso na ako sa lamesa at nakita ko na nagsasandok na si mommy ng kanin at nilalagay nya ito sa pinggan ko. I want to hug my mom but there's something inside me stopping to do that. I need a hug from my mom because I know she will understand my feelings. "Anak nandyan ka na pala. Maupo ka na sa tabi ng kuya mo." Napaisip ako sa sinabi nya hindi ba dapat doon ako sa may kanan na upuan kase nasa kaliwa si kuya? Para kanino yon-
"Tinext ko ang kapatid mo. Sabi ko dito na sya kumain ng hapunan at baka late na naman umuwi ang papa nyo." bumagsak ang balikat ko at ang tingin ko ay nasa pinggan kung saan nya nilagyan ng kanin. Napalingon si kuya sa'kin kaya naman ay umupo na ako sa kalapit ni kuya at saka inabot ang kanin. Ano ba Samira ang babaw palagi ng luha mo. Nakakainis!
Napansin ko ang pagpindot ni mommy sa kanyang cellphone at may tinatawagan. Paniguradong kapatid ko ang tinatawagan nya malapit na rin ang Christmas break may posibilidad na makauiw na ng Pilipinas ang kapatid ko. Pero base sa expression ni mommy malungkot nitong binaba ang kanyang cellphone. Hindi uuwi ang kapatid ko.
"Samira nag kikita ba kayo ni Ris?" napahinto ako sa pagsubo ko at tumingin kay mommy.
"Hindi po."
"Sabi kasi ng kapatid mo ayaw nyang pumunta dito gawa mo. May ginawa ka na naman ba sa kapatid mo?" mahinahong tanong ni mommy. Umiling lang ako at tahimik na binilisan ang pagkain para maka akyat na sa kwarto ko. Si kuya naman ang naka-assign para mag hugas ng pinggan kaya naman ay makakaakyat ako sa kwarto kaagad.
BINABASA MO ANG
Never be (PLAYLIST SERIES 4)
Teen Fiction(PLAYLIST SERIES 4) Hindi dahil gusto mo ang isang bagay makukuha mo ito. Hindi porket ginusto mo mapapasayo dahil kailangan mo munang makuha ang tiwala at ang pag ibig nya. Ngunit walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring manalo ka maari rin matalo...