*ring*
"Oh, your phone Cass" si Daddy.. Nailapag ko pala yung phone ko sa side table kanina..
"Unknown number.?" sabi ko.
Anyways, sinagot ko na rin naman..
"Hello?" sagot ko.
"Gwen!"
------
Jet's POV
Andito na ako ngayon sa cottage namin ni Migs..
Bah, may note..
"Tol, di kita masasabayan mamaya sa dinner.. need to work.. Anyways, marami naman makakainan dito. Enjoy yourself na lang. ----Migs"
Bongga nun ah. Pa-work work na lang.
Hmm. boring naman mag-isa..
Ay teka!
Kinuha ko yung phone ko at...
"Hello?" sagot niya.
"Gwen!" sabi ko.
"Jet?"
"Uh-huh!"
"Teka...pano?"
"Ah...kanina, nung nag-punta ka sa restroom nung kumakain tayo, uhmm....kinuha ko # mo. hehehe, sorry ah? Pinakialamanan ko phone mo.."
"Ohh.. okay lang. Bakit ka pala napatawag?"
"Ahm, ang boring kasi mag-isa e. Gusto mo subukan natin mga activities na pwedeng gawin dito.. Mdami yun. For sure mage-enjoy ka.. Kung okay lang at kung gusto mo?"
"Uhm...sige!"
"Cool! See you at the pool side. 2 pm."
"Okay!"
"Bye!"
Then I ended the call.
Nice! Magiging masaya talaga to.. :))
.
.
.
.
.
.
Cassie's POV
"Mii! Dii!"
"Oh bakit sweetie?" si Mommy.
"Ugh... Jet called. Wala daw kasi siyang makasama, and ayun... Try daw namin yung mga activities dito sa resort. Madami daw e.."
"Ooh... Sure. Go ahead." si Mommy.
"Dad?"
"Sige lang. Basta ingat kayo ha? Sabay na siya satin mag-dinner mamaya."
"Okay! Thanks Mi, Di.."
"Ateeeee! Sam----" si Selena.. Masy sasabihin ba siya? Si Kuya kasi biglang tinakpan yung bibig niya.
"Ah...sige Cass. Alis ka na.. Enjoy!"
"Ha? ah e...sige.. Bihis lang ako." sabi ko.
Weird naman.. Parang gustong-gusto akong pinapaalis ni Kuya.
Edi ako, nagbihis na nga at nag-ayos ng sarili.
Since resort naman to, nag shorts na lang ako, simple shirt at slippers.