Chapter 18

128 0 0
                                    

JET's POV

"We're here! ----JET"

Text ko kay Ivy..

"O ano tol? na-text mo na?" si Miggy..

"Oo.." sagot ko.

Naghintay lang kami ng reply niya pero ilang minuto na.. wala pa rin.

"Tara Miggy.." sabi ko.

"San?"

"Sa loob.."

"E akala ko ba hihintayin natin si Ivy?"

"Tagal magreply e.. Tara na!"

Kasi nga di na talaga ako makapaghintay  na makita si Gwen! hahaha

"Ata lang tol? hahaha libre mo entrance ko ha.."

"Oo na! Tara.."

Kaya naman pumasok na kami.

Well, not literally, nag bayad muna kami ng entrance namin bago kami nakapasok. They even checked our things too bago pumasok. Bawal kasi yung mga delikadong materials, and to top, alcoholic drinks. Okay na rin pala.. Safe talaga ang mga pumupunta dito.

Matapos i-check yung gamit namin........the search begins!

Since hindi ko naman kilala yung family ni Dave.. Tama ba? yung boyfriend ni Ivy.. basta yun! e naghanap na lang kami ni Miggy. ikot dito..ikot dun..

Mula sa mga mataong part hanggang sa medyo konting tao..

Nakakapagod rin magpaikot-ikot kasi ang luwang netong resort. Si Miggy naman, kahit medyo naka-disguise, may nakakakilala pa rin na iba sa kanya.. Kinakawayan na lang niya..

Kakalakad namin, narating namin yung medyo walang tao.. parang villas, may mga rooms and cottages, pero may pool rin na malapit, close nga lang..

Siguro naman wala sila dito..

Paalis na sana kami ng may marinig akong boses..

"Pero Tristan---"

Yung boses.. alam ko kung kanino yun..

Lalapitan ko sana kung saan nagmumula yung boses ng may humawak sa braso ko.

Napalingon naman ako.

"oh Ivy!"

Mukha naman siyang tumakbo ng napakalayo kasi halata mong hingal na hingal siya..at may kasama siyang lalaki. Siya siguro si Dave.

"Bakit andito ka? Diba i told you to wait?" tanong niya..

"E ang tagal mo magreply e.. Kaya pumasok na kami ni Miggy.. By the way, Miggy, this is Ivy. Gwen's cousin" sagot ko.

Nung nabanggit ko naman si Miggy, bigla na lang siyang napangiti.. pero nawala rin.

"Okay.. Mamaya na ako mag-fa-fan girl mode. For now, hi Miggy.." tapos nakipag-shakehands siya.. sabay hug. Bilis talaga neto oh! hahaha

"*ehem*" yung lalaki na kasama ni Dave.

"Ooops! sorry dada.. hehe," sabi ni Ivy sabay bitaw kay Miggy at hawak sa kamay nung guy. "Ugh, Jet, Miggy.. this is Dave. Boyfriend ko.. Dave, si Jet, and Miggy.."

Ah.. so siya nga si Dave. :)

Maya-maya....

"HAHAHA, shut up!"

Yung boses na naman..

"That voice..." sabi ko.

Paalis na sana ako pero pinigilan ako ni Ivy.

Puppy Love? E nag-evolve. Naging True Love! :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon