CHAPTER 5 (enemies)

1 1 0
                                    

(Cring, Cring, Cring)

Kagaya ng napag-usapan ng dalawang magkaibigan na sina Arthur at Melody ay pinuntahan nga ni Arthur sa classroom ang kaniyang bestfriend.

ART: Uy! Bes, kanina pa kitantinatawag.
MEL: Ay sorry, di kita napansin, pumasok kana pala, di ko namalayan.
ART: Oo pumasok na ako, di ka kasi lumilingon kaya pumasok na ako. Ano bang iniisip mo?
MEL: Ahh wala wala, ba't ka ba nandito?
ART: Diba sabi ko pupunta ako dito kapag break time, halika na sa cafeteria.
MEL: Ikaw na Lang siguro, hindi pa naman ako nagugutom, saka alam mo namang nagtitipid ako diba.
ART: Hindi ka naman maglalabas ng pera eh, libre kita.
MEL: Nahihiya na ako sayo, lagi mo na lang akong tinutulungan, tapos ngayon elilibre mo naman ako, naku wag na.
ART: Lagi ka namang nagcocomplain kapag tutulungan ka, kaya halika na, 30 minutes lang ang break time.
MEL: Makakatanggi pa ba ako, halika na nga, libre mo ha.
ART: Haha, papayag rin pala, tara.

Umalis na nga silang dalawa at nagtungo ng cafeteria. Pagkaalis nila ay pinag-usapan naman sila nina Dave, Andrie, Emmanuel at Noah.

EMMAN: Tol! Mukhang talo tayo dun ahh.
NOAH: May boyfriend na pala siya, sayang ang cute niya pa naman.
DAVE: Hindi niya naman ata boyfriend yun eh.
DRIE: Kitang-kita naman na diba tol! Sinundo pa nga dito.
NOAH: Saka ang sweet nilang tingnan.
DAVE: Sweet! Di sila bagay no.
EMMAN: Haha, gusto mo nga siya, confirm.
DAVE: Manahimik nga kayo!
DRIE: Na love at 1st sight ka no! Haha
NOAH: Tol! Paano ba yan, busted ka na agad.
N, E @ D: Hahahahahaha
DAVE: Sabing manahimik kayo eh! Hali kana nga. Cafeteria na tayo!

Habang papuntang cafeteria ay pinagtatawanan pa rin siya ng tatlo, hindi niya na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Totoo ngang nagkagusto siya agad kay Melody, pero kung gaano man siya kabilis magkagusto dito ay ganun din kabilis itong masaktan dito.

Sa kabilang banda naman ay may isang grupo ng mga babae na hindi natutuwa sa prisensya ni Melody, nagagalit sila dito dahil inaagaw nito ang atinsyon ng mga lalaking kanilang nagugustuhan.

Sila ay sina Trixie Mendoza, Kiesha Monte Negro at Amanda Villa Monte. Galing din sila sa maiimpluwensyang pamilya, kaya naman lahat ng nagugustuhan nila ay nakukuha nila agad.

KIESHA: Alam niyo girls, 1st day pa lang natin pero naiinis na ako sa babaeng yun.
AMANDA: Yes! Napakafeeling niya para kausapin ang mga boys natin.
KIESHA: Dito nga tayo nag-aral para masundan sila, tapos ganito pa ang mangyayari.
TRIXIE: Hindi ako papayag! I will make her life miserable!
AMANDA: I agree!
KIESHA: Me too!

Samantalang sa cafeteria naman ay masayang nag-uusap sina Melody at Arthur.

ART: Oh, kain kana.
MEL: Ang dami naman nito, di ko naman ito mauubos eh.
ART: Nakita kong matamlay ka kaya naman ubusin mo yan.
MEL: Tataba naman ako nito eh.
ART: Mas mabuti yun.
MEL: Grabi ka naman bes, gusto mo bang lumaki ako. Panget na nga ako tapos mataba pa, asan na hustisya dun?
ART: Hindi ka naman pangit eh, may pimples lang naman, pwede pa namang mawala yan eh.
MEL: Hindi nga nawawala eh, nadadagdagan pa.
A @ M: Hahahaha......

Sa kabilang table naman ay nandoon lang nakaupo sina Dave, Andrie, Emmanuel at Noah. Rinig na rinig nila ang pinag-uusapan nina Melody at Arthur.

EMMAN: Para naman tayong mga stalker nito.
DRIE: Si Dave kasi ayaw sumuko.
DAVE: Ssshh, manahimik kayo.
NOAH: Hahaha.
DAVE: May sinabi si Melody kanina eh, narinig niyo ba?
DRIE: Wala eh.
DAVE: Paano kasi ang ingay niyo, wala ng maingay ha.

Nagpatuloy nga sila sa pakikinig sa pag-uusapan nina Melody at Arthur. And dalawa naman ay masayang nag-uusap.

ART: Mamayang lunch, pupuntahan ulit kita sa classroom niyo, sabay ulit tayo.
MEL: May dala akong lunch remember, doon na lang siguro ako sa room kakain.
ART: Sabayan mo naman akong kumain, bestfriend mo ba talaga ako?
MEL: Sige na nga, dinadamay mo pa ang pagiging mag-bestfriend natin eh.
ART: Haha, hindi naman.

Nabigla naman ang apat sa kanilang narinig.

NOAH: Wow, narinig niyo naman siguro yun no.
EMMAN: Hoy! Dave, ba't hindi kana naimik dyan.
DAVE: Mag-bestfriend lang sila tol.
DRIE: Oo, narinig namin, parang timang to.
DAVE: Mag-bestfriend lang sila.
EMMAN: Oo nga, paulit-ulit naman to.
NOAH: Halika na nga, balik na tayo sa room, baka mapansin pa tayo dito eh.
DRIE: Halika na Dave! Halika na, baliw na ba to?
DAVE: Ha? Ahh oo halika na.

Natuwa si Dave sa kaniyang narinig at mga nalaman. Kaya naman nakangiti siyang bumalik sa kanilang room.

UNEXPECTED LOVE FROM STRANGERWhere stories live. Discover now