Chapter 12 (The New beginning)

2 0 0
                                    

Dumating ang araw ng sabado, ito ang araw para pumunta sina Melody at Arthur sa Real State Company under Arthur's family.

Kasama niya si Arthur na nagpunta dito, kaya naman hindi na siya mahihirapan sa paghahanap dito.

Noong nagdaang araw ay wala namang nangyari, gaya ng nasa plano ay hindi niya kinausap ang grupo nina Dave. Sila Dave naman ay hindi na nangulit pa, ngunit gumawa ng paraan para malaman kung sino ang nasa likod ng hindi pagpansin sa kanila ni Melody.

Art: Kumpleto na ba ang mga requirements mo?
Mel: Hmm, kinakabahan ako.
Art: Bakit naman?
Mel: Baka hindi ako mapili eh.
Art: Naku, tiningnan ko mga requirements mo, ok naman lahat based on your background, mapipili ka niyan, don't worry, ok.
Mel: Halika na nga, ok lang ba talaga sayo na samahan ako, weekend ngayon, dapat uuwi ka.
Art: Ok lang, nakapagpaalam naman ako, saka company naman ng family ko ang pupuntahan natin. Btw, how about your work? Ang alam ko, whole day ka if it's weekend.
Mel: Hmm, ganun na nga, pero nagpaalam na muna ako. Mabait naman yung manager namin dun. Pero syempre, no work, no pay, haha.
Art: Haha mukhang ganun na nga. Btw, let's go?!
Mel: Hmm.

Agad naman silang dumiretso sa nasabing company. Nang makarating sila ay manghang-mangha si Melody sa ganda at laki ng nasabing kompanya.

Mel: Sure ka, sainyo to?
Art: Haha, oo naman, bakit?
Mel: Wow! Ang laki laki naman, ang yaman mo pala talaga. Nakakahiya tuloy, hindi talaga tayo magkalevel.
Art: Ano bang sinasabi mo dyan, hindi naman ako mayaman, yung mga magulang ko.
Mel: Ganun na rin yun.
Art: Naku, halika na nga, baka naghihintay na yung mga mag-iinterview sayo.
Mel: Ako lang ba ang naka-schedule ngayon?
Art: Hindi. Every weekend, may lima hanggang sampu ang iniinterview.
Mel: Ilan naman yung mga nakakapasok?
Art: As far as i know mga dalawa siguro.
Mel: Grabi naman yun! 20% lang pala ang chance ko Kung ganun. Wag na kaya akong tumuloy?
Art: Hahaha, halika na nga, kung ano-anong iniisip eh.

Sa pagpasok nila sa building ay agad namang binati si Arthur ng mga Staff na nakakasalubong nila.

Staff's: Good morning sir Philip.

Tanging ngiti lamang ang tinugon nito.

Mel: Nakakahiya naman, anak pa ng may-ari ng building ang kasama ko.
Art: Dapat ka pa ngang matuwa eh.
Mel: Haha, Saan ba banda yung interview area?
Art: Daan na muna raw tayo sa office ni Mommy.
Mel: Hmm, ok.

Pumunta na nga sila sa office ng mommy ni Arthur.

(Tok, tok, tok)

Mommy Emily: Come in!
Art: Mom!...
Mommy Emily: Ohh! Melody, you came, you made it!
Mel: Ahm, hehe yes po tita, ayaw ko naman pong mapahiya sa inyo.
Mommy Emily: That's good to hear.
Art: Mommy naman..
Mommy Emily: Yes son, what is it?
Art: Ako yung unang bumati sayo, tapos yung kasama ko naman ang pinansin mo.
Mommy Emily: Oww, my baby boy, nagtatampo sa mommy boys, come here, I will give you a hug.
Art: Mom, I'm not your baby anymore.

Natawa naman si Melody maging ang kaniyang Mommy Emily sa kaniyang naging reaction.

Agad naman na bumaling si Mommy Emily kay Melody at agad itong kinausap.

Mommy Emily: Dala mo ba yung mga papers na sinabi ko sayo, Melody?
Mel: Opo, ito na po. Kumpleto po yan.
Mommy Emily: Good, put that papers on my table.
Mel: Sige po.
Mommy Emily: Ok, from now on you are one of our scholar of Real State Company.
Mel: Po?.
Mommy Emily: You will receive 5k weekly allowance at gusto kong baguhin ang buhay mo.
Mel: Po? Sandali lang po, Medyo naguguluhan po ako, hindi pa ako naiinterview, pero...

Sabay tingin sa kaibigan niyang si Arthur na nakangiti lang habang nakatitig dito.

Mommy Emily: Son, can you excuse us. You can wait at the lobby.
Art: Ok mom.

Pagkalabas ng room ni Arthur ay agad namang pinagpatuloy ng Mommy ni Arthur ang sinasabi nito kanina.

Mommy Emily: As I said earlier, I will help you. Narinig ko na mula sayo yung mga bagay na dapat kung narinig and you inspired me. And because of that, I choose you to be the lucky one na deserve na mabago ang buhay at matulungan. What do you think?
Mel: Ahm, naguguluhan pa rin po ako..
Mommy Emily: Yah, I expected it. Kahit naman sino maguguluhan. Basta ang isipin mo na lang ito na ang pagbabago ng buhay mo.
Mel: Salamat po.
Mommy Emily: Bat ka nagpapasalamat, akala ko ba naguguluhan ka.
Mel: Kahit na ganun po, ramdam ko pa rin po yung concern po ninyo sa akin. Napakabait niyo po since nung una ko po kayong makilala. Napaka-swerte po ni Art na kayo po ang magulang niya.
Mommy Emily: Aww, so sweet. Of course I am. Oh, puntahan mo na yung anak ko sa lobby at baka naiinip na yun. May lakad pati kayo, anong oras na.
Mel: Ano po? Lakad? Sa pagkakatanda ko po, wala naman kaming napag-usapan.
Mommy Emily: Don't be confused. Just please stay at his side as always, ok.
Mel: Hindi po ba kayo nagagalit kung tatanungin ko kung bakit niyo po ginagawa lahat ng ito?
Mommy Emily: Do you really want to know?
Mel: Hmm...
Mommy Emily: It's all because you made my son smile again.

Seryoso namang nakikinig si Melody.

Mommy Emily: It's been years since my son lost that smile because of that incident.
Mel: What incident po.
Mommy Emily: I'm not in the position to tell. Just ask him.
Mel: Hmm..
Mommy Emily: Can I request one thing?
Mel: Oo naman po, ano po yun.
Mommy Emily: Please make my son happy everyday.
Mel: Naku yun lang po ba? Wala pong problema sa akin yun. Hayaan niyo po, hanggat kasama niya ako hindi siya makakaramdam ng lungkot..
Mommy Emily: Thank you. I'm really glad that you came in our life.
Mel: Naku, ako po ang dapat magpasalamat.
Mommy Emily: Medyo napapahaba na ang ating pag-uusap baka naiinip na yun. Ako na naman aawayin nun, Sige na. Puntahan mo na siya.
Mel: Sige po.

UNEXPECTED LOVE FROM STRANGERWhere stories live. Discover now